FOI bill dapat suportahan ni PNoy

DAPAT na suportahan ni Pangulong  Benigno “PNoy” Aquino III ang pagsasabatas ng Freedom of Information (FOI) bill.

Ito ang inihayag ni  Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng  National Secretariat for Social Action (NASSA) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), kasunod narin ng paglahok ng Pilipinas sa Open Government Partnership (OGP).

Sinabi ni Pabillo na kung hindi bibigyang pansin ng Pangulo ang pagsusulong ng FOI bill  ay  hindi ito karapat-dapat na mapabilang sa mga kasali sa OGP na nagsusulong ng transparency at paglaban sa korapsyon.

“I don’t know how serious he is in being open because the passage of the FOI bill is not in his priorities,” pahayag n Pabillo.

Giit ng Obispo na ang FOI bill ang pinakamagandang patunay ng Administrasyong Aquino na seryoso talaga ito sa pagsusulong ng transparency sa pamahalaan.

“How can you say the government is open if Aquino himself does not endorse the passage of FOI,” giit pa ni Pabillo.

Ang OGP ay isang “multilateral initiative” na naglalayong matiyak ang seguridad ng kongkretong commitments ng pamahalaan na maisulong ang  transparency, pagbibigay kapangyarihan sa mamamayan, paglaban sa korapsyon at pagsulong ng mga makabagong teknolohiya upang mapalakas ang governance ng isang bansa.

Si US President Barack Obama ang tumatayong chairperson ng OGP. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply