Foreigner nag-suicide sa CamSur

ISANG Dutch national ang pinaghihinalaang nagpakamatay sa isang resort sa bayan ng Sangay sa lalawigan ng Camarines Sur.

Nakilala ang biktima na si Roger Robin Antonissen.

Ayon sa paununang imbestigasyon ng pulisya, naglaslas ng pulso ang foreigner sa pamamagitan ng isang kris sword.

Si Antonissen ay nakitang palanging lasing dahil sa naging desperado umano ito dahil sa pagka-bankrupt ng itinayong resort nito sa Cebu.

Pagkaubos umano ng dugo ang ikinamatay ng biktima ayon kay Dr. Ricardo Pataksil ang doktor na nagsuri sa bangkay ni Antonissen.

Hindi naman isinasantabi ng pulisya ang posibilidad na nagkaroon ng foul play sa pagkamatay ng foreigner.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply