Foster Care Act niratipikahan na sa Kamara

NIRATIPIKAHAN na sa Kamara ang panukalang batas na magbibigay ng insentibo sa pamilyang sumusuporta sa foster family program para sa mga batang inabandona, inabuso o may disability.

Ani Bagong Henerasyon party-list Rep. Bernadette Herrera-Dy, mayorya ng mambabatas ang pumabor na i-adopt ang Senate version ng House Bill 4481 matapos makita na wala namang pagkakaiba sa naturang panukala.

Si Herrera-Dy ang principal author ng HB 4481 o Foster Care Act of 2011 na naglalayong palakasin ang foster care program para sa mga abandoned at neglected children and minors with special needs.

Sumuporta rin at pawang mga may-akda ng panukala sina Reps. Juan Edgardo Angara ( Aurora); Rufus Rodriguez (Cagayan de Oro City); Carlos Padilla (Nueva Vizcaya); Florencio Miraflores (Aklan); Augusto Syjuco (Iloilo) at Salvador Escudero (Sorsogon).

Ang foster care ay pagbibigay ng pansamantalang pamalit sa pangangalaga ng magulang sa mga bata na nangangailangan nito.

Kuwalipikado sa programa ang mga batang 18-anyos pababa o pataas na hindi kayang suportahan ang sarili mula sa pang-aabuso, pagpapabaya, pagmamaltrato o diskriminasyon dulot ng physical at mental disability.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply