‘Di nagbayad ng SSS, funeral home owner kulong

HINATULAN ng anim na taong pagkabilangggo ng Quezon City Regional Trial Court ang may-ari ng isang punerarya dahil sa hindi pagbabayad sa Social Security System (SSS) na kontribusyon ng kanyang mga empleyado sa halos siyam na taon base sa rekord.

Sa tatlong pahinang desisyon, maliban sa pagkakakulong, inutusan din ni Judge Ma. Luisa Quijano-Padilla (QCRTC) si Virgilio Labrador Sr.,alyas Boy Bangkay, may-ari ng Blessed Memorial Services sa Barangay Culiat, QC na magbayad ng tatlong porsiyentong penalty ng hindi nabayarang kontribusyon mula Hunyo 1998 hanggang Marso 2007 ng kanyang mga empleyado.

Sinabi ng Hukom na hindi pinansin ni Labrador ang demand letter na ipinadala sa kanya na nagsasabing makukulong siya dahil sa paglabag sa SSS law.

Nagpasok si Labrador ng “not guilty” plea noong arraignmen subalit subalit hindi na dumalo sa pagdinig ng korte na nagpalabas na ng warrant of arrest.

Umabot sa P977,792 ang utang ni Labrador sa SSS kasama na ang tubo hanggang Disyembre 2010, base sa mga dokumento ng naturang ahensiya.

Ayon naman kay SSS president at Chief Executive Officer Emilio de Quiros Jr. ang desisyon ng korte ay magsisilbing babala sa mga negosyante o employer na hindi nagbabayad ng kontribusyon ng SSS ng kanilang mga empleyado.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply