GA prexy Lee nagsalita na sa injuction

NAGSALITA na si Delfin Lee, president ng Globe Asiatique para umano patunayang wala siyang pananagutan sa Home Development Mutual Fund (HDMF) at Pag-Ibig Fund.

“The charges against us are a total lie. We did not borrow  P6.6 billion. We did not defraud the government of a single centavo.  We spent our own money to develop the Xevera projects,”  ani Lee.

Nitong nakaraang linggo lamang ay nakakuha si Lee ng temporary restraining order (TRO) mula sa Pasig Regional Trial Court (RTC) para pigilin ang Department of Justice (DOF) sa pagsasampa ng kasong kriminal laban sa kanya.

Kasunod nito, nitong Lunes ay naglabas naman si Pasig RTC Branch 167 Judge Rolando G. Mislang ng writ of preliminary injunction para pansamantalang pigilin ang DOJ sa pagsasampa ng kasong estafa laban sa kanya at isa pang katulad na kaso na isinampa naman sa Makati RTC Branch 58.

Inilabas ni Pasig RTC Judge Rolando G. Mislang ang injunction nang panigan ang argumento ni Lee na ang kasong estafa at civil case ay magkatulad at kailangan munang may maresolbahan bago maipagpatuloy ang imbestigasyon sa kasong estafa.

Sa civil case na isinampa sa Makati court noong Nobyembre 2010, hiniling ng Globe Asiatique sa HDMF o Pag-Ibig Fund na irespeto ang kanilang nauna nang napagkasunduan — ang pagtanggap ng kapalit ng mga kostumer ng GA at paglalabas sa naka-pending na loan take-outs ng kompanya sa Pag-Ibig.

Idinagdag pa ni Mislang sa kanyang desisyon na ang pagkakaroon at kawalan ng “element of damage” sa resolusyon ay malalaman lamang sa civil case na hiwalay na isinampa laban kay Lee.

“If the Makati RTC resolves to compel HDMF to accept the payments tendered by GA pursuant to contracts between them, the element of damage will be negated and will necessarily result in dismissal of the estafa case.”

Ang nasabing ruling umano ng Makati court ay lubos na makaaapekto sa iba pa bang criminal cases sa lungsod.

“The issues in the civil case are determinative not only of the guilt or innocence of petitioner but also whether the criminal cases will have legs to stand on. Pending resolution of this prejudicial question, the proceedings for estafa cases should be suspended.”

Sa petisyon ni Lee, sinabi nito na sa civil case na isinampa sa
kanya, ang damage na ipinangangarali ng HDMF ay self-inflicted dahil sa sila mismo ang tumangging makipag-ayos sa GA na handa namang i-update ang kanilang anomang pananagutan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply