Gaas inakalang softdrinks, paslit kritikal

NALAGAY sa peligro ang buhay ng isang paslit nang laklakin ang boteng may laman na gaas na inakala nitong sofdrinks sa Aklan, kaninang umaga.

Habang isinusulat ang balitang ito, inoobserbahan pa ng mga doktor sa Libacao General Hospital ang hindi pinangalanang 1-anyos na lalaking residente ng Barangay Janlod, Libacao, Aklan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Carme, naganap ang insidente dakong 8 ng umaga sa mismong kusina ng biktima.

Ayon sa ama ng biktima, bago ang insidente ay naiwan niya sa kanilang mesa ang isang bote ng softdrinks na may laman na gaas dahil bibili siya ng posporo sa tindahan para ihawin ang kanilang pananghalian.

Pero sa kanyang pagbalik, narinig niya ang todong pag-iyak ng kanyang anak kaya hinanap niya ito at natagpuan sa kanilang kusinang namimilipit sa sakit ng tiyan.

Napansin naman agad ng tatay ng biktima na nakatumba na ang boteng may gaas sa kanilang sahig at wala na rin itong laman.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply