Gabi mas hahaba na kaysa sa araw – PAGASA

UMPISA ngayong buwan ay magkakaroon na ng mas mahabang gabi kaysa sa araw.

Ayon sa PAGASA, ito ay resulta ng autumnal equinox, kung saan ang araw ay natatapat sa equator area.

Dahil dito, pinaalalahanan ang lahat na huwag nang magulat kung maagang sumasapit ang gabi at bahagya pa ring madilim kahit umaga na sa mga piling lugar sa mundo.

“Philippine nights will be longer as the Sun approaches the celestial equator,” pahayag ng Pagasa sa kanilang artikulo.

Bukod dito, sinabi rin ni PAGASA acting administrator Nathaniel Servando na maraming dapat abangan ngayong buwan na laman ng kanilang astronomical diary.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply