Game 2 equalizer tatangkain ng Lady Stags at Lady Sailors

ISANG sudden-death ang puntirya ng San Sebastian College-Recoletos Lady Stags laban sa Philippine Army Lady Troopers katulad ng paghahangad ng Lady Sailors kontra sa Lady Eagles sa Game 2 ng best-of-three finals bukas (Setyembre 22) sa The Arena, San Juan City.

Nakauna ang Lady Troopers sa loob ng 3 sets 25-9, 25-20, 25-16, noong Linggo na nataon sa awards night bilang pagkilala sa mga open conference league outstanding players na kung saan ay itinanghal na Most Valuable Player si Stag import Lauren Ford. Kabilang sa mga pinarangalan ay sina Mayette Carolino ng Army bilang best attacker at ang teammate niya na si Jennelyn Reyes na best receiver.

Ang semifinalist na Lady Eagles ay may dalawang awardee na sina Jemenea Ferrer (best setter) at Denice Lazaro (best digger) habang si Suzanne Roces ng Navy ang itinanghal na best blocker at ang best server award ay nasungkit ni Lady Stag Rubie de Leon.

Masasabak ang Lady Stags na pangungunahan nina Ford, Thai import Jeng Bualee, Rubie de Leon, Jennifer Manzano, Joy Benito at Dahlia Robinos laban sa pambato ni coach Rico de Guzman na ipaparada sina Mary Jean Balse, Rachel Ann Daquiz, Carolino sisters na sina Marietta at Michelle, Cristina Salak at Joanne Bunag.

Maghaharap sa third place ang nakaunang Ateneo Lady Eagles at ang Navy Lady Sailors na pabor sa Lady Eagles na bumanat sa unang laro ng 22-25, 25-23, 19-25, 25-14 at 15-8 sa isang mahigpitang paluan na inabot ng limang sets.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply