Game show ni Pacman mandaraya!

ITO ang pahayag ng mga kritiko na nanoon sa isang contestant na nadaya ng game show na ‘Manny Many Prizes’ ni Manny Pacquiao na nakausad sa jackpot portion nitong Sabado na ginanap sa Baguio City.

Ayon sa mga kritiko, bagama’t umabot sa P350, 000 ang nakuhang premyo ng isang babaeng contestant ay kitang-kita naman ang daya rito.

“Yung unang sinabi ni Manny Pacquiao ay tutulungan niya ang contestant para makuha ang jackpot na isang milyon o kaya ‘yung P500,000,” paliwanag ng isang kritiko.

“Sa labinlimang letra (Manny Many Prizes), sinabihan ni Pacquiao ang contestant na ang asawa ay inoperahan sa bituka, na tutulungan n’ya kaya kukunin niya ang ilan sa mga ito para madaling makuha ang premyo,” dagdag nito.

Subalit nagulat na lamang ang mga kritiko nang pagkatapos ng show ay hindi nakuha ang jackpot at ang napili ng contestant na letra ay may katapat lamang na P50,000 na gloves.

“Sabi niya (Pacman), tutulungan niya ang contestant para makakuha ng malaking premyo kaya niya kinuha ang ibang letra para konti na lang ang pagpipilian nito, ‘yun pala kasama sa mga kinuha ni Manny ‘yung jackpot? ‘Di ba, malaking kalokohan iyon?” diin pa ng kritiko.

Marami rin naman ang nasiyahan dahil hindi nakuha ang jackpot at ang P200,000 ay pinaghati-hatian ng daan-daang nagsipila kahit inuulan.

Kahit naman umano nadaya, hindi naman halata, ayon sa ilang kritiko, dahil kahit P50,000 ang nakuha ng contestant ay dinagdagan naman ito ng Pambansang Kamao ng P300,000.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply