Ganda ng panahon inaasahan, ‘Onyok’ nasa bansa pa rin

INAASAHANG maganda ang panahon ngayong araw sa ilang bahagi ng bansa kahit pa nasa Philippine area of responsibility na ang bagyong Onyok.

Ayon sa Pagasa, wala pang epekto ng bagyo sa alinmang panig ng bansa maliban na lamang sa bahagi ng Western Luzon na may kalat-kalat na kaulapan kaya’t inaasahan ang mga pag-ambon lamang.

Samantala, inaasahang bukas ay mararamdaman ang epekto ng bagyo bunsod ng hanging habagat partikular sa Western at Northern Luzon.

Hindi na rin inaasahan ang pagtama sa kalupaan ng mata ng bagyo sa halip ay patungo ito sa pagitan ng Taiwan at Japan.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras habang umuusad pakanluran sa bilis na pitong kilometro bawat oras.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply