Gasol pinanalo ang Spain vs Lithuania

MALAKI ang naitulong ni Los Angeles Lakers centre Pau Gasol sa panalo ng Spain laban sa Lithuania na nagbigay sa team ng second stage berth sa European championship, 91-79, sa Panevezys, Lithuania.

Kasama nilang nakakuha ng spot ang Serbia matapos gibain ng huli, 75-64, ang Germany sa Siauliai at gayundin ang France na tinapos ang Italy sa iskor na 91-84.

Ang Macedonia naman ay naitala ang third-straight win nang pulbusin ang Finland 72-70 habang ang Poland ay nagtamo ng dramatic 84-83 victory laban sa Turkey na maagang nagpatalsik sa world championship runner-up noong 2010.

Si point guard Juan Carlos Navarro ay umiskor ng 15 puntos para sa Spain sa opening quarter at tumapos ng game’s top score na 22 points, sinundan ni Gasol na 17, Serge Ibaka na 15 at Jose Calderon na nakadale ng 12.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply