Gastos ng dengue victims sasagutin ng Philhealth

EPEKTIBO kanina ang bagong programa ng PHILHEALTH kung saan matutulungan na nitong magpagamot ang mga tinamaan ng dengue.

Ayon kay PHILHEALTH Beneficiary Dev. and Research Department Billy Ignacio, ipinaliwanag nitong sa pamamagitan ng case rate o payment package maaari nang sagutin ng ahensya ang gagastusin ng mga na-dengue.

Idinagdag pa nito namayroong dalawang kategorya para sa dengue, isa rito ang degue 1 kung saan maaaring ipagkaloob ang walong libong piso habang labing anim na libo naman sa dengue 2 o mas malalang kaso ng dengue.

Nabatid na ito ang bagong sistema ng pagbabayad ng PHILHEALTH sa lahat ng ma-aadmit nilang miyembro.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply