Gen. Lim nanumpa na bilang Customs Intel Chief

PORMAL nang nanumpa kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III bilang Deputy Commissioner for Intelligence ng Bureau of Customs si Gen. Danny Lim.

Sa pahayag ni Gen. Lim, sinabi nito na bilang dating sundalo na tapat sa kanyang tungkulin ay hindi ito nagdalawang-isip na tanggapin ang atas na ibinigay sa kanya na muling pagsilbihan ang mamamayan at ipagtanggol ang kanilang interes.

Ikinatuwa ng heneral ang ipinagkaloob sa kanyang tiwala ng pangulo at ni Finance Secretary Cesar Purisima.

Pinasalamatan din ni Lim ang mga kawani ng BoC sa kanilang mainit na pagsuporta at pangtanaggap sa kanya.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply