‘Genetically modified’ na lamok pangontra sa dengue

MAGPAPAKAWALA ang Department of Science and Technology ng mga “genetically modified” na lamok para labanan ang pagdami ng kaso ng dengue sa bansa.

Sa isang talakayan na dinaluhan ng may 60 Pinoy na siyentista, mga siyentista mula sa British-based Oxford Insect Technologies (Oxitec) at National Academy of Sciences, inihain ng Oxitec ang kanilng bagong teknolohiya na layong maubos ang mga species o lahi ng lamok na nagdadala ng dengue na Aedes aegypti.

Ayon kay Dr. Luke Alphey, co-founder at chief scientist ng Qxytec, Dr. Anthony James, isang molecular biologist at miyembro ng NAS, at ni Dr.David Brown, na mga bahagi ng isang grupo na nagsasagawa ng pananaliksik sa mga genetically engineered na lamok at naparito sa imbitasyon ng DOST, nakapaglikha umano sila ng “genetically modified” na Aedes eegypti na lalaking lamok na kung pakakawalan sa isang lugar at makikipagtalik sa babaeng Aedes aegypti ay mangingitlog ng mga lamok na walang kakayanang makalipad. Ang mga ganitong uri ng lamok ay ‘di nabubuhay ng matagal at ‘di rin makikipagtalik maging sa laboratoryo.

Sampung doble ang dapat pakawalan na mga genetically modified na lamok sa isang lugar na may epidemya ng dengue. Magreresulta ito sa pagbagsak ng bilang ng populasyon ng mga lamok at tuluyang pagkawala ng mga ito.

Ayon sa mga siyentista ay hindi makakaapekto sa ecological balance ang pagkawala ng mga lamok dahil ang mga hayop na kumakain ng mga lamok ay mas pinapaboran ang mga insektong higit na mas malaki kaysa sa mga ito. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply