Ginagamit ng gambling lords si Archbishop Cruz

INULAN ng batikos si retired Lingayen Archbishop Oscar Cruz dahil diumano sa paggamit sa kanya ng gambling lords para mapalawak pa ang kanilang illegal jai-alai, jueteng at masiao.

Ayon sa mga tagamasid, ang krusada ni Cruz ay nakatuon lamang sa jueteng at binabatikos din niya ang small-town lottery.

Subalit hindi niya binabatikos ang illegal jai-alai at masiao na pinatatakbo ng mga kilalang gambling lord. Bakit ganito? Ano ang tunay niyang agenda?

Totoo rin ba na ang mga tao sa likod ng illegal jai-alai, masiao at jueteng ang sumusuporta sa obispo para sirain ang ligal na STL?

Ayon sa sources, ang ilan sa mga taong ito ay isang kilalang jueteng lord sa Central Luzon at isang dating kabigan ni Pangulong Erap na ngayon ay sangkot pa sa illegal gambling. Sangkot pa rin dito ang isang dating PCSO chair na sinampahan na ng maraming graft cases sa Ombudsman at Comelec.

Sa isang radio interview, ipinahayag ng Concerned Citizens for Speedy Justice (CCSJ) na “talagang kaduda-duda ang krusada laban sa jueteng” ni Cruz. “’Di ba ang STL ang alternatibo sa jueteng at iba pang iligal na sugal? Bakit niya sinisiraan ito? Ano ang kanyang alternatibo?” diin ng CCSJ.

Ang mga umuugong na balitang ito ay lumabas sa gitna ng isang public service survey ng dalawang radio monitoring groups na nag-uulat na ang krusada ni Cruz sa mga iligal na sugal ay wala ng kredibilidad at sinseridad. Dalawa sa sampung respondents ang nagpahayag ng ganitong opinyon. Ang survey ay isinagawa noong isang linggo sa Metro Manila at Calabarzon area. 1,200 respondents ang tinanong.

Ayon sa survey: “Maganda ang layunin ng obispo at dapat suportahan. Ngunit ang krusada ay walang consistency at ang mga impormasyong kalimitang isinisiwalat niya ay mali.” Katulad din ng may mabuting Pari at masamang Pari, mayroon ding tama at tunay na STL operator at may masamang STL operator.

Sabi pa sa survey na “nabahiran ng pulitika ang krusada ni Cruz. Politicized na siya. Lahat ng isyu ay kanyang sinasawsawan, kasama rito ang personal na buhay ni Pangulong PNoy. “Bakit siya nakikisawsaw sa jueteng. Kapansin-pansin din ang kanyang addiction sa publicity.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply