Glaiza de Castro 17 pa lang nang simulan ang ‘Rakenrol’

BARELY 17 years old lang si Glaiza de Castro nang mag-audition para sa coveted role sa movie na “Rakenrol.” Pumasa naman siya sa audition sa kabila ng pagtutol nang marami dahil di pa siya kilala noon. Pero, after five years in the making natapos na rin ang Rakenrol na idinirek ni Quark Henares, ang anak ni Dr. Vicky Belo.

Sa ngayon si Glaiza ay kilalang-kilala na bilang isang Kapuso big star dahil nagawa niyang hit ang kauna-unahang soap na kanyang sinalihan, ang “Stairway to Heaven.”

Ngayo’y top billing siya sa “Amaya” bilang co-star ng bidang si Marian Rivera. Regular co-host nga pala si Glaiza sa Sunday musical show ng Kapuso, ang “Party Pilipinas.” Dito nakikita ang galing ni Glaiza sa pag-awit at pagsasayaw.

That must be the reason kung bakit napili siya ni Direk Quark na lumabas na bida sa Rakenrol bilang si Irene.

Matatapos na ang paghihintay sa Rakenrol na maipalabas sa commercial theaters pagkatapos na magkaroon ng preview sa Cinemalaya last July.

Simula sa September 21 ay mapapanood sa lahat ng sinehan sa buong Pilipinas ang matagal nang ikini-clamor sa mga Facebook at Twitter user na ipalabas na sa mga sinehan.

Umani ng papuri sa iba’t ibang film festival ang Rakenrol bago naipalabas sa Pilipinas. Kabilang sa mga napuntahang festival ay ang The Udine Film Festival in Italy, Asia Pacific Film Festival in Los Angeles, California, USA. Sa ngayon ay may invitation na ang movie sa mga international film festival na katulad ng magaganap sa Hawaii, Goteborg, San Diego at New York City

Kasama sa movie ni Glaiza sina Diether Ocampo, bilang guest star, Jason Abalos, Alwyn Uytingco, Ketchup Eusebio, Ramon Bautista, Ricardo Cepeda, Jun Sabayton at Matet de Leon.

Ang Rakenrol ay produced ng Furball at Reality Entertainment in cooperation with PostManila.

000

MAY posibilidad na magka-develop-an sina Jasmine Curtis-Smith at JC de Vera habang nagsu-shoot ng kanilang first soap opera, ang “Utol Kong Hoodloom,” dahil inamin ni Jasmine na type niya si JC. Gayundin, si JC na nagsabi rin sa presscon ng soap na madaling mahalin si Jasmine dahil bukod sa maganda’t bata, ubod pa ng bait sa kanya.

Sadya lang maling pagkakataon na magkasama silang dalawa dahil si Jasmine ay batang-bata pa para makipagseryosong affair. Seventeen pa lang siya samantalang si JC ay committed ngayon kay Danita Paner.

Pero, inamin ni Jasmine na nagkaroon na siya ng first boyfriend. Isang Australian boy nang siya’y 15 lang. Hindi nagtagal ang relasyon dahil napakabata pa niya at hindi pa alam ang in and out ng love affair. At least nakaranas na rin siyang umibig.

Tungkol sa pagpasok niya sa showbiz, hindi niya intended talaga na makipagsapalaran rito dahil busy pa siya sa pag-aaral sa Australia. Nasa high school pa lang si Jasmine ngayon. Pabalik-balik siya ng Pilipinas para tapusin ang taping ng Utol Kong Hoodloom.

May panahong pumunta pa ng Australia ang buong staff ng soap para roon magtaping dahil doon pumapasok si Jasmine. Kabilin-bilinan ng kanilang butihing ama na tapusin muna ang pag-aaral bago pumasok ng showbiz. Pero, nang sabihin ng  taga-TV5 people na hindi maaapektuhan ang kanyang studies ay napapayag din ang kanyang ina.

Ani Yasmine: “Nung una, ayaw ko ng showbiz dahil sa halos walang tulog si Ate Anne. Naawa ako sa kanya. Pero sa nangyari sa career niya ay naengganyo rin akong subukan. Nae-enjoy ko rin ngayon.”

Siyempre, hindi rin maaalis ang ginawang buhay ng showbiz sa kanyang Ate Anne. Sadyang nakakaangat nang husto si Anne ngayon sa buhay. Sobra-sobra na rin ang kinita niya sa mahabang panahong pag-aartista.

Tungkol sa difference nilang magkapatid, nasabi ni Jasmine na siyempre, mas bata raw siya sa kanyang Ate. Yun na! Sabi nga kapag sariwa at maganda ka sa showbiz ay mabili ka sa projects at endorsements. Maraming endorsement si Jasmine kabilang dito ang Pocarri drink at ang mabili ngayong Cherry Mobile phone.

Ang Utol Kong Hoodloom ay maglo-launch kay JC bilang action star sa telebisyon. Richard Gutierrez ang dating sa action. Pero, ibang paraan ginawa ng TV5 dahil siya’y magiging underworld character na haragan type.

Hindi tulad ni Richard na nakilala sa fantasy super hero type ng soap.

Iisa ang manager nina JC at Richard, si Annabelle Rama.

Samantala, nasabi ng big boss ng production ng TV5 na seven months in the making ang Utol Kong Hoodloom. Sinimulan ito ng December na mag-taping at natapos lang last July. Kinailangan pa nilang mag-shoot sa Melbourne at Sydney, Australia.

Ipalalabas ito starting September 12 pagkatapos ng “Bangis” bilang kapalit ng “The Sisters.”

Kasama sa cast sina Jay Manalo, Ara Mina, Arci Munoz, Carlo Aquino, Regine Tolentino, Empoy, IC Mendoza, Rainier Castillo, Dennis Padilla, Ramon Christopher, Benjie Paras, Jef Gaitan, Bella Flores at Flora Gasser.

Ang Utol Kong Hoodloom ay dating pelikula ni Robin Padilla at nilikha ang istorya ni Deo Fajardo.

Kaya sa interview kay Robin ay sinabi ng action star na dapat higitan ni JC ang nagawa niya sa Utol …

000

Manny Pacquiao namumudmod ng pera sa audience kapag nasa mood

SADYANG may ginintuang puso si Manny Pacquiao sa kanyang programang “Manny Many Prizes.” Sadyang malambot ang puso niya sa nangangailangan. May mag-asawa na bulag ang babae at may kapansanan ang lalaki na binigyan niya ng P30,000 cash para makatulong sa kanilang buhay.

Bukod pa rito, last Saturday night na programa ng Pambansang Kamao, naibigay na rin ng programa ang jackpot cash na P1 million. Pinalad na mahulaan ng contestant ang nilalamang letra ng P1 million. Lahat ng sumali sa elimination round, may matatanggap agad na premyo.

Dinagdagan din ang tsansa ng mga tao na makasali sa jackpot prize dahil sa elimination ay may 50 katao ang nakasali. Kapag sinuwerte ka sa mga tamang sagot na pagpipilian ay hindi ka agad mai-eliminate.

Pumunta kami sa set mismo ng Manny Many Prizes sa Quirino Grandstand kung saan ginawa ang kick off  promo tour ng Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez na naghahayag na tuluy na tuloy na ang laban ng dalawa sa November 12 sa Las Vegas at Nov 13 sa Manila na ibu-broadcast ng live.

May promo tour din sa Mexico at United States of America.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply