Glaiza de Castro gustong magpa-manage kay Claire dela Fuente

EWAN lang namin kung ano ang nangyari doon sa naunang plano ni Glaiza de Castro at ng mother nito na gusto nang kumawala sa kuwadra ni Manny Valera at magpa-manage sa famous Talent Manager/Diva na si Ms. Claire dela Fuente.

Nakita kasi ng nasabing young actress ang mga nangyari sa career nina Bela Padilla at Sam Pinto na parehong hinahawakan ni Ms. Claire, especially Sam, na hindi lang sa TV at movies busy kundi very in-demand rin ngayong product endorser. Gusto raw kasi ni Glaiza na makagawa rin ng TVC na alam niyang maibibigay sa kanya ni Ms. Claire.

As of now, so-so na lang din ang project na naibibigay ni Direk Manny kay Glaiza samantalang tumatak naman sa viewers ang pagiging magaling nitong contravida ni Rhian Ramos sa matagal nang nagtapos na Stairway To Heaven. Well, kapag natuloy ang paglipat ni Glaiza sa poder ni Ms. Claire, tiyak na magbu-bloom ang career ng young singer-actress. Anyway, last September 8 ay naging very successful ang grand opening ng bagong res- to ni Ms. Claire na Asian Noodle Co. By Chef Off na located sa Aseana Powerstation-Macapagal, Ave. Pasay City. Dumating sa okasyon ang mga alaga ni Ms. Claire tulad ni Bela, Sam etc para magbigay suporta sa kanilang manager. Siyempre naroroon rin ang ilang TV crew ng iba’t-ibang TV networks at malalapit na press people na sob- rang nag-enjoy sa mga masasarap na asian food na inihanda ni Chef Off sa lahat. At masayang ibinalita kaagad sa amin ni Ms. Claire na kahit kabubukas pa lang ng resto nila ng mga kasosyong kaibigan ay dinudumog na ito ng mga customer. Kasi naman hin- di lang masasarap ang food nila kundi very affordable pa at mababait ang waiters nila rito.

Napapanood pala ang si Ms.Claire gabi-gabi sa Reality Singing Talent Search na Protege kung saan isa siya sa inaabangang mentors rito ng televiewers.

***

Ate Edna may datung na, sagot pa ng Eat Bulaga ang pamasahe ng buong entourage sa Davao

NO LIMIT everyday ang pagtulong ng Eat Bulaga sa kanilang mga Dabarkads na sumusuporta sa kanila sa Eat Bulaga.

Tulad na lang ni Ate Edna, ang masuwerteng winner sa Juan For All For Juan noong Sabado.

Imagine, binigyan na siya ng halagang umaabot sa P40,000 cash kasama ng iba pang sangkatutak na premyo mula sa Puregold, Lucky Me Nam-Nam, Dunkin Donuts, Coca-Cola, Nokia cellphone etc. Sinagot pa ng Eat Bulaga with matching entourages ang pamasahe nila sa eroplano pauwing Davao, kung saan naroroon ang kapatid niyang si Sol na 20 years na nitong hindi nakikita. Taga Brgy. Kamuning, Quezon City si Ate Edna at sa laking tuwa nito ay ipinaabot niya kay Bossing Vic Sotto at sa lahat ng EB Dabarkads ang taos-puso niyang pasasalamat dahil sabi niya, sa tanang buhay niya ay ngayon lang may nagbigay sa kanya ng ganito karami at kalaking blessings.

Para sa kanya ay hulog ng langit si Bossing at ang Eat Bulaga. ‘Yan naman talaga ang main goal ng nasabing number one noontime variety show noon pa at ngayon, ang makatulong sa marami nilang kababayan sa Luzon, Visayas at Mindanao.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply