Glaiza de Castro naalala ang two-month relationship nila ni Patrick

NAGKITA muli sina Glaiza de Castro at Patrick Garcia sa Showbiz Central last Sunday. Isang matamis na batian ang namagitan kina Glaiza at Patrick. Pero, hanggang hello at kumusta lang ang namagitan sa dalawa na minsan ding na-link noon. Nasa Showbiz Central si Glaiza para i-promote ang kanyang indie film na “Rakenrol,” na simula noong Sepember 21 ay ipinalabas na sa buong sinehan sa bansa. Limang taong ginawa ni Direk Quark Henares ang film. Ang pelikula ay released ng Regal Films pero produced nina Direk Quark (Furball) at Dondon Monteverde (Reality Entertainment Films).

Anyway, galing si Glaiza sa PMPC Stars for A Cause show sa SM Skydome sa SM North EDSA nang magkita sila ni Patrick. Konting balitaan at kumustahan lang talaga ang namagitan sa dalawa.

May nagbulong sa amin sa ibang-ibang batian nina Glaiza at Patrick. Totoo palang nag-on sina Glaiza at Patrick ng dalawang buwan. Panahon itong nakikita silang madalas na lumabas na may chaperone naman. Panahon din ito na barkada ni Glaiza si Maxene Magalona, na ang ka-date naman ay si JC Tiuseco. Kaya nakikita silang four- some na magkaka-date.

Wala na sina Maxene at JC, sina Glaiza at Patrick ay may kanya-kanyang buhay na rin. Si Glaiza ay nag-concentrate sa kanyang career. Sinuwerte naman siya dahil nagbida siya sa “Grazilda.” Ngayon naman ay nasa “Amaya,” bilang kapatid ni Marian Rivera.

Sabi ng nagbulong sa amin, mismong si Patrick daw ang lumayo kay Glaiza dahil gusto niyang unahin ni Glaiza ang papayabong na career. Ayaw ni Patrick na maka-istorbo sa dalaga. Si Patrick naman ay pansamantalang namahinga noon sa showbiz at nag-aral ng special course sa London.

Ngayon lang gumawa muli ng soap si Patrick, kasama siya ngayon sa “Iglot.”

000

LALONG namukadkad ang beauty ng reigning Miss Earth Philippine Water Muriel Orais nang na-meet naming sa grand opening at ribbon cutting ng bagong branch ng ChicBoy (Chicken at Baboy) sa Harrison Plaza, sa Ermita, Manila. Sina Mayor Alfredo Lim at Muriel ang nag-cut ng ribbon. Siyempre, kasama rin sina Emily Cabrral at Ms. Tess Cabral ng Chic-Boy. Dumating din ang businessman cum manager ni Muriel na si Mr. Jaime Acosta, ang president ng Psalmstre Enterprise, ang manufacturer ng New Placenta Soap at Olive C brand soap.

Bale pang-40th branch ang sa Harrizon Plaza, isa itong franchise na pag-aaari ni Rex Alvin Yanguas, na mula sa import-export business. Bale first try ni Mr. Yanguas ang pumasok sa food business.

Nagustuhan ni Mr. Yanguas, ang ChicBoy dahil nagsisimula palang pero kinagat agad ng mga tao. Saka, iba ang kanilang hinahandang pagkain sa kanilang parukyano. Yun bang sikat at the best sa Pilipinas na lechon Cebu at Cebu lechon Manok. Very competitibe ang presyo at tiyak magugustuhan ang kanilang dumaraming menu. Para sa amin ay nagustuhan namin ang kanilang adobong kangkong, lechon Cebu, Cebu lechon manok.

Matatagpuan ang ChicBoy Harrizon Plaza sa tabi ng Mercury Drug.

000

PINAGSABIHAN ng Superstar Nora Aunor si Nadine Samonte na gawin ang nararapat gawin sa eksena para sa kanya sa soap na pinagsamahan nila, ang “Sa Ngalan ng Ina” ng TV5, na malapit nang magsimulang ipalabas sa primetime programming ng network.

Huwag daw siyang mahiyang kaladkarin o masaktan si Ate Guy sa eksena nilang gagawin.

Nangyari ito the other day nang gawin ang eksenang nanugod si Nora sa bahay ni Nadine. Galit na galit ang Superstar sa pinaggagawa ni Nadine. Para ipakita ni Nadine na walang karapatan ang Superstar na gawin sa kanya ang ganito dahil step daughter lang siya, kinaladkad ni Nadine ang galit ng si Nora kesehodang medyo nasaktan ang aktres.

000

SAMANTALA, binigyan pagkakataon ng TV5 ang fans ni Ms. Nora Aunor, Nadine Samonte at iba pang cast ng mini series na Sa Ngalan ng Ina na sumaksi sa red carpet premiere ng soap sa kahapon (Sept. 22) sa SM The Block Cinema 2. Nagbigay sila ng 100 tickets for free sa mga tao on a first come, first served basis.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply