Glaiza de Castro unang babae raw na pinasakay ni Sid Lucero sa bago niyang Kia van

TOTOO ngang sweet sina Glaiza de Castro at Sid Lucero sa set ng “Amaya” sa Morong, Bataan. Tsika ng source namin sa set, nang dumating ang aktor sa set kung saan nagaganap ang taping ay pinuntahan agad ng binata si Glaiza para ipagmalaki ang kanyang bagong biling sasakyan, isang Kia van.

Siyempre, excited daw si Glaiza dahil ipakikita ang bagong sasakyan ni Sid. Kabibili lang din ng bagong Jazz Honda ng dalaga kung saan siyaa mismo ang nagda-drive kapag nasa Manila sila.

Pareho kasing mahilig sa kotse ang dalawa kaya mganda ang kanilang samahan.

Sa set, sinabi ng aming source na maaaring si Glaiza ang unang isinakay ni Sid sa kanyang bagong van.

Iba raw kasi ang friendship nang kapag nasa Amaya set. Pag walang take si Sid, babad na siya sa tent ng mga babae.

Makikipagkuwentuhan na siya kay Glaiza. Tapos, maririnig mo na kanilang tawanan.

So far, wala pang balita sa amin ng source kung lumalabas na sina Glaiza at Sid pagkatapos ng taping. Basta, barkada lang daw ang dalawa sa set.

Saan kaya hahantong ang friendship na ito?

Anyway, may pelikulang ipalalabas si Glaiza de Castro sa September 21, ang “Rakenrol.” Ang movie ay ginawa sa loob ng limang taon ni Direk Quark Henares, anak ni Dr. Vicky Belo. Isang pelikula ito na punung-puno ng rock and roll music. Ipinakita ni Glaiza sa movie ang galing niya sa pag-awit, pagsasayaw at pag-arte. Dito naga nap ang unang kissing scene niya sa movie with Diether Ocampo. Partner ni Glaiza rito si Jason Abalos.

000

DUMATING the other day si Iza Calzado mula sa Canada. Sa NAIA ay na-interview siya ng Unang Hirit reporter. Sa nasabing ambush interview, nasabi niya na totoong nagkausap silang dalawa ni President Nonoy Aquino bago umalis ng bansa.

Naganap ang pag-uusap nila ng Presidente sa birthday party ni Ogie Alcasid. Dito’y  naganap ang simpleng kuwentuhan at kumustahan. After ng nasabing party, ayon kay Iza, hindi na muli sila nagkita ni Pnoy o nagkausap man lang sa phone.

Kaya mali ang balitang si Iza ang latest “girlfriend” ni PNoy.

Ayon kay Iza, nahihiya nga siya sa Presidente na mayroong ganitong intriga sa kanilang dalawa.

Tungkol pa rin kay Iza, napanonood siya sa “Eat Bulaga” at “Party Pilipinas.” May bagong soap siyang malapit nang simulan.

000

Paulo Velino: Bagong leading man ni Lovi Poe

SI PAULO Avelino ang bagong leading man ni Lovi Poe sa bagong movie na “Aswang” ng Regal na revival ng hit movie ni Alma Moreno noong 80s. Tulad ni Lovi, isa ring Regal baby si Paulo.

Dapat si Paulo ang lalabas na partner ni Solenn Heussaff sa “Temptation Island.” Pero nagkasakit ito at kailangang ma-ospital nang matagal kaya ipinalit sa kanya si Mikael Daez sa movie.

Paolo ngayon ay Kapamilya na ito at magkakasama lang sila ni Lovi sa mga pelikula ng Regal na kanilang gagawin. Malaking paghamon kay Paulo ang pagsasama nila ni Lovi dahil masusubukan ang talent niya na makasama ang isang tulad ng sexy actress na isa na ngayong award-winning actress.

Si Paulo, incidentally, ang napili ng Cosmopolitan Magazine bilang isa sa 10 Most Sought After Bachelors. Kaya isa siya sa rarampa sa Cosmo Bash Night sa September 15.

Inaantay ngayon ng binatang ama ang bagong assignment niya sa ABS-CBN 2.

000

MAKIKIPAGSAPALARAN sa showbiz si Celio Aquino, 19, na ang pangarap ay maging katulad ng kanyang idol na kapwa taga-Tondo na si Vice Mayor Isko Moreno.

Nakilala si Celio ng kanyang manager na si Direk Maryo J. Delos Reyes nang napabilang siya sa Circle of 10 . Pansinin si Celio dahil sa kanyang Chinese/Spanish blood na nanalaytay sa kanya, bukod pa sa height na 5’10” . Puede siyang maging matinee idol at pangunahing leading man sa soap at pelikula.

Kasalukuyan ngayong lumalabas si sa mga character roles sa soap na “Footbulilit” ng GMA 7.

Nag-aral siya ng high school sa Antonio J Villegas High School sa Tondo. Ngayo’y second year college na siya sa Samson College sa kursong computer science.

Bukod kay Isko, sinusubaybay din niya ang takbo ng career nina Robin Padilla at Dennis Trillo. Pag dating sa pag-arte ay gusto niyang tularan ang  dalawa.

Ani Celio: “Hindi naman masamang mangarap, bata pa naman ako at ibig ko ring marating ang naabot ng aking idols!”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply