Gloria, Abalos igigisa sa 2007 poll fraud

NAKATAKDANG igisa ng Senate Electoral Reform committee sina dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at dating Comelec Chairman Benjamin Abalos sa malawakang dayaan noong 2007 Senatorial elections.

Ayon kay Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III, kailangang maimbestigahan ang sinasabing cover-up ni Arroyo sa malawakang dayaan noong 2007 elections para madaya siya sa ilang bahagi ng Mindanao, partikular sa Maguindanao.

“There is sworn testimony that the former President was the main player behind the cover-up of the rigging of the 2007 elections,” ayon kay Pimentel.

Lumutang si Atty. Lilian Radam kamakailan at ibinulgar ang isang malawakang pandaraya na sangkot ang dating opisyal ng Palasyo at si Abalos.

Ayon kay Radam, inatasan siya at iba pang election officers na manipulahin ang resulta ng eleksiyon upang pumabor sa Team Unity senatorial candidate ng Arroyo administration.

“Radam revealed that days after the 2007 elections, in Davao City, she was contacted by a certain Major Joey Leaban, Assistant Regional Director of the Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) Region XII. Leaban assured her that the former president was “aware of [our] situation,” banggit ni Pimentel mula sa affidavit ni Radam.

Sinabi pa ni Pimentel na tiniyak umano ni Leaban kay Radam na inatasan siya (Leaban) ng dating Pangulo na kapag dinismis nito ang election case na inihain niya, bibigyan siya ng ligal at pinansiyal na tulong.

Kinumpirma naman ni Radam na binigyan siya ng tulong pinansiyanl sa loob ng tatlong taon kabialng ang isang abogado sa katauhan ng isang Atty. Bon Tagum, miyembro ng law firm ni Alberto Agra, dating hepe ng Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) at kalaunan, itinalagang kalihim ng Department of Justice.

“Hindi dapat balewalain ang sinumpaang alegasyon ni Radam at dapat imbestigahan ng kanyang komite at Blue Ribbon Committee,” giit ni Pimentel.

Aniya, kailangan maipatawag ng Senado ang lahat ng opisyal na sangkot sa pandaraya kabilang si Leaban na isang mataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagbigay ng katiyakan kay Radam.

“It is important to summon these personalities identified by Radam who took part in the cover-up of the massive poll cheating in 2007,” ayon kay Pimentel.

Nauna nang naghain si Pimentel ng kasong election sabotage laban kay Radam at dating North Cotabato election supervisor Atty. Yogie G. Martirizar dahil hindi nagkakatugma-tugma ang resulta ng eleksiyon sa kanilang nasasakupan.

Nasa ilalim ng Witness Protection Program ngayon si Radam.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply