Gov’t officials, pulitiko, negosyante pinag-iingat sa US embassy officials

PINAG-IINGAT ni Sen. Joker Arroyo ang mga opisyal ng gobyerno, pulitiko at negosyante sa pakikipagharap sa mga opisyal ng United States Embassy matapos mabistong inirereport pala nila ito sa State Department.

Iginiit ng senador na sakaling may transaksyon ang mga opisyal ng gobyerno, pulitiko at mga negosyante sa sinumang opisyal ng US Embassy ay mas makabubuting mag-ingat sa pagbibigay ng mahahalagang impormasyon.

“The bottom line is don’t talk to them,”wika ni Arroyo.

Ang pahayag ng senador ay matapos na ibisto ng WikiLeaks ang nilalaman ng mga ipinadalang cable ni dating US Ambassador Kristie Kenney at iba pang opisyal ng embahada sa mga taong nakakausap at nakukunan nila ng mahalagang impormasyon sa Pilipinas.

Ayon kay Arroyo, dahil sa ginawang rebelasyon ng WikiLeaks, magiging maingat na ang mga opisyal ng gobyerno sa pagpatol sa mga imbitasyon sa kanila ng mga Embassy official.

“I think Philippine officials now be very wary of accepting invitations,”ayon sa senador.

Idinagdag pa ng senador na hindi naman lahat ng US Ambassador na nadedestino sa ating bansa ay tunay na diplomat dahil ilan sa kanila ay konektado sa Central Intelligence Agency (CIA) o kaya ay sa US Drug Enforcement Agency

“Moral lesson: don’t accept invitations unless it’s official. The Philippines is not only [the] country that is the victim of this country but all over the world,” dagdag pa ng senador.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply