Grabeng trapik sa Malibay hindi maaksyunan

GRAAAA…BENG traffic sa Malibay, Pasay City. Wala daw ginagawang aksyon si Mayor Antonio Calixto rito.

Sobra ang mga nakahambalang na sidecar at jeep sa nasabing lugar.

Inutil ang mga traffic enforcer na itinatag ni ex-councillor Moti Arceo dahil walang ginagawa ang mga ito kundi ang magdelihensiya sa mga may sasakyan.

Palibhasa mana sa kanilang mga amo na wala ring inaatupag kundi ang pagka-kakuwartahan.

Halos puro bobo at walang alam ang mga kinuhang traffic enforcer sa Pasay City kaya nagkakawindang-windang ang daloy ng trapiko rito.

Basahin natin ang nilalaman ng kabuuang reklamo sa text message.

Mensahe: Sir Johnny, gud pm po sa inyo. Puwede po bang pakitira ninyo ang traffic dito sa Malibay, Pasay City? Sobra ang dami ng sidecar at jeep.

No match ang traffic enforcement na itinatag  ni Moti Arceo. Pawang walang alam kundi puro bobo po ang mga ito.

Alam na ni Mayor Tony Calixto ito pero wala rin siyang ginagawang aksyon.

Sana matulungan ninyo kami sa problema namin sa traffic dito sa Malibay.

Maraming salamat po.

Sugalan sa Rizal lantaran

DAHIL sa malapit nang mag-Disyembre ay lantaran na namang inilalatag ng mga peryante ang kanilang mga peryahan na pronta ng mga iligal na pasugalan partikular na sa Rizal.

Kabilang sa mga naglalatag itong bayan ng Binangonan na ang operator dito ay si Michele Taba.

Samantala, sa Angono naman ay hindi nagpapatalo ang peryahan ni Aling Toyang. Sa Cainta naman ay nakalatag na naman ang peryahan na front ng sugalan ni Nelma at sa Gold Country, Cainta naman ang kay Lolong.

oOo

Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 091892-74764,09266719269 o e-mail sa juandesabog @yahoo. com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply