Grade 3 pupil niluray ng driver sa damuhan

SIRA ang kinabukasan ng grade-3 pupil nang walang awang pagsamantalahan sa damuhan ng kapitbahay nitong driver sa caloocan City kagabi.

sa report sa Women and Childrens Protection Desk (WCPD), ang biktima na itinago pangalang Jane ay pormal na nagsampa ng reklamo kasama ng ina nito laban sa arestadong suspek na si Reynaldo Rodriguez, 58, ng #141 Binangunan St., Brgy., 30, nasabing lungsod.

Sa imbetigasyon, 8:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa isang bakanteng lote sa Cainta St., Brgy., 30, Caloocan City.

Napag-alaman na naglalakad ang isang barangay tanod na nagpapatrolya sa naturang lugar nang makarinig ng mga kaluskos at ungol ng isang bata sa  madilim na bahagi ng damuhan.

Nang  hanapin ang pinagmulan ng ingay, nakita nito ang biktima na hubot hubad habang katabi ng suspek.

Dahil dito, sinita ng tanod ang suspek at dinala sa himpilan ng kanilang barangay.

Sa salaysay ng paslit, sinabi nito na sapilitan siyang dinala ng suspek sa nasabing lugar at hinalay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply