Grade 5 pupil pinatay ng mga kaklase

UTAS ang Grade 5 pupil matapos pagtulungang bugbugin ng kanyang mga kamag-aral kaninang umaga sa Baguio City.

Kinilala ang biktima na si Angelo Estrellado, 12, mag-aaral ng Baguio Central School.

Ayon sa lolo nito na si Luis, nagkaroon lamang ng biruan ang mga bata matapos iwan ng kanilang guro habang gumagawa ng kanilang seatwork.

Gayunpaman, nauwi ito sa sakalan at suntukan.

Sinasabing aabot sa apat na estudyante ang nanuntok sa biktima na agad namang dinala sa Baguio General Hospital ngunit hindi na niya nakayanan ang tindi ng tinamo niyang mga galos.

Agad namang dinala ang bangkay ng biktima sa Baguio Memorial Chapel habang patuloy pa rin ang imbestigasyon ng awtoridad.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply