Green Archers, ‘inulila’ ni Dindo Pumaren

OPISYAL nang namaalam bilang head coach si Dindo Pumaren sa management ng De La Salle University ball club na kasama ang mga assistant na sina Jack Santiago at Tonichi Yturri, ayon sa mapagkakatiwalaang source sa nasabing unibersidad.

Posibleng naging dahilan ng batang Pumaren na umano’y humalili sa kapatid na si Franz ay ang hindi inaasahang pakita ng paglalaro ng Green Archers na nabigong makapasok sa Final Four ng kasalukuyang 74th season ng UAAP na binubuo ng Ateneo Blue Eagles, Adamson University Falcons, Far Eastern University Tamarawas at University of Sto. Tomas Growling Tigers.

Sa kanyang pagbibitiw, dalawang men’s tactician mula sa propesyunal league sa PBA ang pagpipilian na tanganan ang La Salle senior basketball team na sina Gee Abanilla ng Petron Blaze at Joseph “Jong” Uichico ng Ginebra San Miguel.

Nag-uusap-usap na rin ang mga opsiyal ng De La Salle college na kung ano ang mga pagbabago na ipatutupad nila para sa mga darating na paglahok ng senior basketball team sa mga kompetensya sa iba’t ibang basketball games partikular sa susunod na UAAP season.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply