‘Green dealer’ ng Honda Cars Philippines kinilala

MANILA, PHILIPPINES— Ginawaran ng Honda Cars Philippines Inc. (HCPI), ang Honda Cars Global City bilang kanilang kauna-unahang “Green” dealer sa bansa.

Sa pamamagitan ng isang 2-step program, nakamit ng Honda Cars Global City ang parangal na ito na bahagi ng kampanyang Blue Skies for our Children ng Honda. Ilan sa mga naging pamantayan ng HCPI ay ang kalinisan at sistema ng waste management ng bawat dealer, ang basic safety at ang paggamit ng mga empleyado nito ng protective equipment kapag nasa trabaho.

Kabilang rin sa mga pamantayan ang mga proyektong pinangunahan ng bawat dealer na may kinalaman sa pangangalaga sa kalikasan at iba pang natural resources, at maging ang mga proyektong nakapagbigay ng tulong sa nasasakupan nilang komunidad.

Ayon kay Ramon Zialcita, branch manager ng Honda Cars Global City, alam nilang malaki ang epekto ng industriyang kinabibilangan nila sa kalikasan at dahil nga rito ay doble-ingat sila sa mga desisyong ginagawa nila, lalo na sa pangaraw-araw na operasyon ng kanilang branch.

Dagdag pa ng HCPI President at General Manager na si Tatsuya Nasume, ang Green Dealership program ay simbolo ng paninidigan ng Honda na maghandog ng mga sasakyan at serbisyo sa abot-kayang halaga at sa paraang mapapangalagaan ang kalikasan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply