‘Green job policy’ isinusulong ng Dole

HINIKAYAT ng Department of Labor and Employment (Dole) ang mga employers na magpatupad ng “green or environmentally-friendly job policy” upang lumawak ang job opportunities sa bansa.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, magkakaroon ng bagong demand para sa trabaho  mula sa “green” investments,isang senaryo na makikinabang ang lahat.

“It is a fact that employment levels in the country have not expanded sufficiently despite substantial economic growth. The argument in favor of green jobs is that new demand for labor from green investments will expand job opportunities,” ayon sa news release na ipinost ng labor department sa website.

Sinabi rin ng kalihim na ang DOLE ay maraming “green initiatives” kabilang ang tree-planting noong nakalipas na Hulyo 29 sa kahabaan ng C6 Road  sa Tagauig City.

Ang nasabing aktibidad  ay nakahikayat ng 800 kalahok mula sa Department of Environment and Natural Resources at sa lungsod ng Taguig.

Halos 1,500 banaba seedlings ang naitanim sa kahabaan ng sidewalks sa mga highway.

Sinabi pa ng kalihim na ang P800,000 vermi-cast organic fertilizer production project sa Alabel, Saranggani ay nakapagtalaga ng halos 25 workers.

Makikinabang naman ang 37 self-employed sa Tantangan, South Cotabato sa may P326,000 charcoal briquette production. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply