GRP Peace Proposal ibinasura na ng MILF

TULUYAN nang ibinasura ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang draft ng GRP Peace Proposal na inihain sa peace talks sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ayon kay MILF Chairman Al Haj Murad Ibrahim sa ginanap na komperensya sa camp Darapanan,  Sultan Kudarat, hindi sagot ang awtonomiya sa problema ng Bangsamoro sa Mindanao.

Paliwanag ng MILF leader, magsisilbi lamang itong gatasan ng ilang tiwaling opisyal ng pamahalaan.

Samantala, sinabi rin ni Murad na patuloy pa rin ang pakikipag-usap nila kay kumander Ameril Ombra Kato para bumalik sa MILF.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply