Guro nilikida sa panahon ng Teachers’ Month

DEAD on the spot ang isang guro matapos paulanan ng bala ng mga hindi pa nakikilalang salarin habang ginugunita ngayon ng bansa ang Teachers’ Month sa lalawigan ng Masbate ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP) ngayon (Martes, Setyembre 6).

Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz, Jr., namatay agad sa pinangyarihan ng insidente ang biktima na si Juviner Tomaquin.

Nabatid sa pagsisiyasat ng Masbate homicide section, papunta sana ang biktima sa kanilang paaralan sa Masparanom Ezperanza, Masbate ng biglang sumulpot ang mga hinihinalang kasapi ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa may bahagi ng Villa Ezperanza.

Gamit ng mga suspek ang M14 at M69 na baril na agad pinagbabaril ang lalaki na siya nityong ikinamatay.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang malaman ang motibo sa naturang krimen dahil wala namang kilalang kagalit ang guro.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply