Hagupit ng bagyong Quiel, sasabayan ni ‘Ramon’

LALO pang lumalakas ang bagyong Quiel habang patuloy na papalapit sa Northern Luzon.

Taglay na ng bagyo ang kahalintulad na lakas ng bagyong Pedring na umaabot sa 140 kilometro bawat oras habang may pagbugso ng hangin na umaabot sa 170 kilometro bawat oras.

Dahil dito, itinaas na ng PAGASA ang signal number 2 sa Cagayan at Isabela.

Ayon kay Nathaniel Servando ng PAGASA, bukas ng umaga ay inaasahang tatama na sa kalupaan ng Cagayan-Isabela ang mata ng bagyo at sa hapon ay inaasahang tatawid na sa kalupaan ng Luzon partikular sa bahagi ng Ilocos Sur.

Ang mga lugar na malubhang naapektuhan ng nagdaang bagyong Pedring ay inaasahan na siya ring sasalantain ng bagyong Quiel lalo na ang Northern at Central Luzon na ngayon ay patuloy pa ring binabaha.

Ngayong nakataas na ang signal number 2 sa Cagayan at Isabela, signal number 1 naman sa Calayan Group of Islands, Babuyan Group of Islands, Apayao, Kalinga, Mt. Province, Ifugao, Nueva Vizcaya, Pangasinan, Benguet, La Union, Ilocos Sur, Ilocos Norte at Abra.

Ayon sa PAGASA hindi gaano ang epekto ng bagyong Quiel sa Metro Manila dahil maliit ang diametro nito kung ikukumpara sa bagyong Pedring.

Kasunod nito, inaasahan namang hahambalos sa bansa ang bagyong Ramon sa Linggo na sasabayan ang pananalasa ng bagyong Quiel.

Agad namang nagbabala ang awtoridad na magsipaglisan na ang mga residenteng nasa malapit sa karagatan at mga tatamaan ng bagyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply