Hawks matatag sa taas ng NAASCU men’s basketball

DINUROG ng defending champion University of Manila Hawks ang Novato Trace-Los Baños College Stallions sa iskor na 88-65 para patatagin ang tangan sa tuktok ng 11th NAASCU men’s basketball tournament sa sariling balwarte sa Sampaloc, Manila Gym Miyerkules ng hapon, Agosto 31.

Tampok sa koponan ni coach Jojo Castillo si Jay-Ar Manuel na tumipa ng 11 puntos bukod sa hinablot na 14 boards. Nagpakitang gilas din sina Jeff Alvin Viernes, Jerry Ancheta, Salvador Guti-ay at 2010 Most Valuable Player at Rookie of the Year Eugene Torres.

Nasiyahan si consultant Rex Manansala sa laro ng kanyang mga tropa na nagtala ng kanilang ikapitong sunud-sunod na panalo matapos ang kabiguan sa pagbubukas ng elimination round.

Si Regginald Boyles na bumuslo ng 23 puntos ang nagdala sa laro ng bagong team na Stallions na hindi pa nakatitikim ng panalo sa walong pagsubok.

Pinaluhod naman ng Our Lady of Fatima University ang St. Clare College-Caloocan City, 84-65, tungo sa 5-3 win-loss record na sumusunod sa UM, STI, Centro Escolar University at Informatics. Radito Torres

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply