Hayden Kho turned off sa usapang Katrina Halili atbp!

HINDI tinanggihan ni Hayden Kho ang imbitasyon ng Philippine Movie Press Club sa kanilang Stars For A Cause na ginanap sa Skydome ng North SM noong isang araw. Isa ito sa mga special guests na nagpaunlak din ng interview sa mga press at TV crew na nakisaya sa naturang okasyon.

Game si Hayden sa lahat ng mga katanungan puwera lang yung tungkol kay Katrina Halili at yung sa kasal nila ni Dr. Vicki Belo.

“Wala po kayong makukuha sa akin pagdating sa kasal namin, secret nga po ‘yun at hanggang maaari, ayaw naming parehong magsalita tungkol diyan. I am happy, at last, sa kasal magsisimula ang aming bagong buhay, pero pasensya na kayo, hindi ko puwedeng pangunahan ang mga pangyayari. Sapat na po siguro yung pareho naman naming inaaming pakakasal na kami in due time, hanggang doon lang po, sana you can be happy with that.

“Hindi naman talagang sekreto, it’s just that we are not flaunting it. Tama na yung simple lang, may mga taong sasaksi, ‘yung mga kaibigan at mga kamag-anak namin, pero talagang bilang sila, kokonti lang, ‘yung mga ka-close lang namin,” sabi pa niya.

Barado naman agad ang mga reporter tungkol dun kay Katrina Halili who they say has not moved on sa ginawang pambabastos sa kanya ni Hayden. “Wag na po ninyong ituloy ang inyong tanong, ‘di ko na sasagutin ‘yan, I would  like to do other topics, kahit ano sasagutin ko, ‘wag lang yan, ilibing na natin sa limot ang lahat ng tungkol diyan,” pakiusap pa ni Hayden sa tonong talagang turned off nga siya’t tinatanong pa sa kanya si Katrina Halili.

Pero nagpakita naman ng lungkot si Hayden sa pagkabanggit ng tungkol sa pagkansela ng kanyang lisensya bilang medical practitioner.

As we know, bilang parusa sa kasong isinamapa sa kanya ni Katrina, tinaggalan na siya ng karapatang magdoktor.

Hindi sinagot ni Hayden ‘yung tungkol sa puwede pala siyang magsampa ng appeal sa Court of Appeals na supposedly ay ayon mismo sa Philippine Regulation Commission.

Kung ganoon nga naman, tiyak na alam ng kampo ni Hayden kung ano ang eksaktong gagawin. Sa rami ng kanyang pera, hindi titigil ang kampo ni Hayden at Vicki Belo hangga’t di nababawi ang lisensyang binawi dahil sa pambabalahura niya ng maraming babae sa showbiz.

So there!

***

Toni Gonzaga makikipag-show-down sa kapatid na si Alex!

SA September 30 na ‘yung Toni@ 10 sa Araneta Coliseum ni Toni Gonzaga and in connection with this, nagpahayag ng katuwaan si Toni na nagsabing isa ito sa pinakahihintay niyang selebrasyon ng kanyang buhay.

“This concert is very important. Ito ‘yung kasaysayan ng career ko sa lahat ng mga taong nagpunyagi ako. Marami akong investment in these ten years, kaya nga ngayong puwede kong i-celebrate ito, natuwa ako dahil kasama ko lahat ng mga taong sumusuporta sa akin,” sabi pa ni Toni Gonzaga.

Sa ngayon, ayon kay Toni, very saleable raw ang mga tickets nila and nasa halfway through na sila, at puno na ang Araneta Coliseum.

This is just like saying na kampante lang si Toni na kaya na niyang punuin ang nasabing venue.

“Sa tulong po nila, sa tulong ng mga friends ko na pumayag mag-guest sa concert ko. Hindi ko na sila iisa-isahin, alam naman nila kung sino yun.”

Nagpapasalamat din si Toni sa mga producers niyang nagsakrispisyo, lalo na ‘yung Erase Placenta manufacturer na si Loiue Gamboa. “Salamat na lang sa tiwala nila sa akin.”

At dahil nga pangsampung taong anibersayo, specaial guest ni Toni ang kapatid na si Alex Gonzaga.

“Abangan nila, may showdown kami, malalaman na talaga kung sino ang sino. Kabugan kung kabugan talaga.”

***

Rocco Nacino pinagmukhang laos si Mark Herras sa Cosmo Bash!

PAREHONG rumampa sa Cosmo Bash sina Rocco Nacino at Mark Herras at iisa ang opinion ng marami na talaga namang argabyado si Mark Herras.

“Obvious na pinaghandaan talaga ni Rocco ang pagrampa niya,” sabi ng isang baklita. “Kasi at 5’8”, kulang siya sa height compared doon sa mga 6-footer na models. But what he lacks in height, pinupunuan niya through his eyepopping performance. He did everything to please the crowd. He just didn’t dance, he also gyrated like an exotic dancer, he made acrobatic moves, flexed his well-toned muscles and teased the crowd na gumapang pa siya sa rampa at nanghalik ng fans kaya grabe ang positive response sa kanya.

“Someone should have advised Mark na dapat hindi na lang siya rumampa kasi he’s not prepared,” sabi pa nito.

“Unang-una, hindi naman buff ang katawan niya like kina Rocco, Enzo Pineda and Aljur Abrenica. Naturingang siya ang most senior sa kanila, pero siya ‘yung hindi inaalagaan nang husto ang kanyang katawan. Even his performance when he danced, kulang sa libog at energy. Tanggalin na sa kanya ’yung titulong Bad Boy of the Dance Floor at ibigay kay Rocco na siyang mas kagulat-gulat ang pagsayaw ng gabing ‘yun.”

At sana, wag namang maapektuhan ang bonding nina Rocco at Mark dahil sa ginawa naming kumparasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply