Hazard pay, dagdag na insentibo sa MMDA enforcers balak ibalik

PINAPLANO ngayon ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ibalik ang hazard pay at dagdag na insentibo sa kanilang mga traffic enforcers.

Ang plano ay kaugnay na rin ng ginawang pamamaril ng isang motorista kay MMDA traffic enforcer Larry Fiala matapos niya itong sitahin dahil sa paglabag sa number coding scheme.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, balak niyang ibalik ang hazard pay at dagdag na insentibo sa mga enforcers dahil na rin sa panganib na dala ng kanilang trabaho.

Sinabi pa ni Tolentino na ang mga kawani ng MMDA ay kadalasang nahaharap sa panganib lalo na sa pagbibigay ayuda sa mga demolition team sa mga nagaganap na bigaan sa squatters area.

Nararapat lamang umano bigyan ng kaukulang ensentibo ang mga kawani at hazard pay para sa kasiguhan ng kanilang pamilya. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply