Health benefits ng pinya

MASARAP at malinamnam lalo na kung sariwa at hinog na ang pinya. Kadalasan itong sahog sa iba’t ibang ulam at panghimagas o kaya naman ay kinakain na mag-isa basta pinalamig sa refrigerator. madalas din na ito ay ginagawang juice o kaya naman ang juice nito ay ginagamit na pang-marinade ng karne.

Alam ba ninyo na nagsimula ang pinya sa mga bansa sa South America gaya ng Brazil at Paraguay.

Noon, ito ay well distributed sa buong Latin America ng mga indigenous people bago pa ito matukalasan ni Christopher Columbus. Kinuha ito ni Columbus at dinala pabalik sa Spain.

Sinubukan nilang i-cultivete ang pinya sa Europa ngunit nabigo sila dahil ito ay sadyang tumutubo at nabubuhay sa mga tropical countries.

Ang mga Portuguese at Spanish explorers ay dinala ito sa kanilang ekspedisyon at isinakay sa mga barko. Sila ang nagpakilala ng pinya sa mga bansa sa Africa at Asia kung saan ito dumami.

Sa ngayon, mae-enjoy kainin ang pinya sa iba’t ibang bansa gaya ng Pilipinas na mayroong kakayahang magpalakai at pagparami sa prutas na ito dahil sa kondisyon ng klima dito.

Hindi lamang dahil sa masarap ang pinya kaya naman pinapayo ng mga doktor at nutritionist na kumain ang publiko ng prutas na ito, bagkus ito ay masustansiya talaga.

Ito ay mabisang panlaban sa pyhtochemicals sa ating katawan.

Ito ay mabuting source ng vitamin C at manganese. Maliban dito, mabuting source din ito ng vitamin B1, vitamin B6, copper, magnesium, at dietary fiber. Ang Bromelain na isang proteolytic enzyme na matatagpuan sa pinya at maging sa stems nito ay enzymes na nakada-digets sa protina.

Pineapple Bromelain para sa Sinusitis

Sa Germany, kung saan ang bromelain ay inaprubahan ng German Commission E para sa treatment ng sinusitis, sa isang clinical trial ay naipakita na ang batang na-diagnosed ng acute sinusitis ay madaling makarekober kapag ginagamot gamit ang pineapple bromelain kaysa sa ibang treatments.

Ang pineapple bromelain ay isa ring anti inflammatory

May ilang clinical evidence na nagsa-suggest na epektibo ang bromelain bilang anti-inflammatory at nakapagbabawas ng pamamaga, bruising, healing time, at pain pagkatapos ng surgery at physical injuries.

Nakapagbabawas din ang bromelain ng sakit at napatunayan ito sa isang clinical trial ng mga pasyenteng may periarthritis of the shoulder at pasyenteng nakararanas ng masakit na osteoarthritis of the knee.

Nakababawas ng sakit ang bromelain kumapara sa mga ginamot gamit ang tinatawag na NSAIDs o Non-steroidal anti-inflammatory drugs.

Pineapple bromelain para sa thrombosis

May mga pag-aaral na nagpapakita na ang bromelain ay nagpakita ng fibrinolytic at antithrombotic activity. Mayroon ding naitalang dalawang clinical trial sa pasyenteng may sakit sa puso na nagpakita ng complete elimination ng thrombosis.

Ang pineapple bromelain ay isang digestive aid

Napatunayan na ang bromelain ay nakaka-aid at nagpo-promote ng digestion dahil sa tinatawag na “protein digesting capabilities: nito. Nakare-relieve din ito ng mga sintomas ng stomach upset o heartburn.

Kitang-kita naman na kapag kinain ang pinya ay mapapansin ang hibla nito. Ang mga fiber na ito ay maganda para sa maayos na digestion ng tao.

Maraming paraan para ma-enjoy ang pagkain ng pinya. Depende na ito sa iyong choice. Hindi rin naman ganun kamahal ang presyo nito kaya kumain ng pinya para kalusugan ay maligaya.


Leave a Reply

*
NYAHAHAHAHA GANYAN NAMAN DYAN SA KAMUNING MGA TALE...
NYAHAHAHA 3.6 MILLION INDIVIDUAL NA ANG NATULONGAN...
mas mabantot si kristd sa mga stars ng dos . di ba...
tama kayo mabaho para kay kristd ang mga stars ng ...
NYAHAHA STD DAHIL SA MGA STARS NG DOS ANG NET INCO...
TAMA KA GURANG MASARAP PAG USAPAN KUNG SINO ANG NU...
HAHAHA TAMA KA TROY PURITA ANG MGA STARLETS SA KAM...
NYAHAHAHAHA PIKON NA ANG MATANDANG MABAHO .. TANGA...
STD DI AKO KATULAD MO NA BALIW HAHAH TOTOO LAHAT Y...
Korek! Yan ang tinatawag na "wise spender". It on...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.