Higanteng buwaya sa Agusan, instant internet celebrity na sa buong mundo

PINAG-UUSAPAN hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo na ang nahuling buwaya na si “Lolong” sa Agusan del Sur.

Naging instant internet celebrity at sensation ang buwaya dahil sa dambuhalang laki nito.

Ang buway ay may habang 21 talampakan at sinasabing ito na ang pinakamalaking buwaya na nahuli sa buong mundo.

Ang major news network at broadsheets ay ibinandera ang larawan ng higanteng buwaya partikular sa New York.

Kalat na kalat din sa social networking site na Twitter at Facebook ang larawan ni Lolong na napalibutan ng mamamayan sa Bunawan, Agusan del Sur.

May ibang nagduda ngunit ang Reuters at Associated Press ay ipinakalat ang larawan ng buwaya para patunayang totoo ang laki ni Lolong.

Maging sa website ng Cable News Network (CNN) at British Broadcasting Corp. (BBC) ay isa ang kuwento tungkol sa buwayang nahuli sa Pilipinas, sa mga “most popular” na article.

Pangatlo ang balitang “Giant crocodile captured alive in Philippines” sa “most popular” stories ng Yahoonews.com.

Maging sa Gran Britanya, bida sa pangunahing pahayagan si Lolong.

Ang ABC News ng Amerika ay inilagay pa ang video ni Lolong sa kanilang website.

Na-feature rin ang higanteng buwaya sa Atlantic Wire, Examiner, MSNBC, Fox News, website ng mga radio stations sa Amerika.

Maging business newspapers kagaya ng International Business Times, Business Insider, at pahayagan sa mga estado ng Amerika kagaya ng Denver Post, Seattle Times, Chicago Sun-Times, Boston Globe, Star Tribune, The State ng South Carolina, Palm Beach Post, ay binigyang pansin si Lolong.

Bida rin si Lolong sa Al Jazeera, Deccan Herald sa India, Calgary Herald sa Canada, Times Union sa US, All Voices, at kaliwa’t-kanang blogs.

Sa Macedonia, Pakistan (Dawn), Russia, India (Newstrack India and Indian Express), Indonesia (Jakarta Globe and Jakarta Post), Australia (The Australian), Ireland (Irish Times), New Zealand (NZ Herald), ay namangha tungkol sa buwaya na nahuli sa Pilipinas habang top searches sa internet ang mga salitang “giant crocodile, Philippines.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply