Hindi na sina Gloria ang problema ngayon

SINA PNoy na at mga tsuwariwap nito ang problema ni Juan ngayon.

Hindi na sina Gloripie!

Aba, ang dami-dami nang umaalma sa pinaggagawa ng grupong PNoy na kung tawagin ay mga KKK o kaklase, kaibigan, kabarilan, kamag-anak at kung ano-ano pang ka-K-yan.
oOo

Tingnan ninyo, sa Kamara at Senado, may mahigit 80 mambabatas ang nag-file na ng panukala o resolusyon laban sa pagpapairal ng KKK ng expanded value added tax sa toll sa mga haywey sa Oktubre 1.

Nagpupumilit kasi ang KKK na kumita rito ng bilyon-bilyong piso na EVAT kahit hirap na hirap na si Juan sa sa kababayad sa toll at EVAT.

Meron na ring gustong mag-imbestiga sa suwitikan sa petrolyo, kabilang na ang P15 EVAT na ipinapatong dito ng mga KKK

Ang Department of Energy kasi ay inutil at umaamin na wala itong magagawa sa usaping ito.

Nag-sitdown strike naman ang mga taga-PALEA sa Ninoy Aquino International Airport sa kasagsagan ng bagyo dahil sa pagsibak sa kanila sa trabaho.

Magkakambal kasi na desisyon ng PAL management at mga KKK ang pagtanggal sa kanila sa trabaho para maging kontraktuwal na lang ang mga ito kung babalik pa sila.

Nauna nang nagsagawa ng tigil-pasada ang mga tsuper at sinundan ito ng pagluluksa ng mga taga-Hukuman at ng pag-planking ng mga estudyante sa mga lansangan.

Lahat ng ito ay laban sa gawain ng mga KKK.

oOo

Ang masaklap dito, yang maghapi-hapi yata ang inaatupag ng mga diyaskeng KKK dahil sa sarbey na nagsasabing naging beri gud ang grado ni PNoy mula sa gud lang.

Kung sinomang Herodes kayo, magtrabaho at patunayan ninyong si Juan ang Boss ninyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply