Hindi raw si Vice Ganda ang nag-tweet para maliitin ang Wonder Gays

MAYABANG ang dating sa amin ng baklang si Rod or Roda na handler ng mga artistang hinahawakan ng talent manager na si Arnold Vegafria. Sa isang umpukan ng mga bading sa isang mall sa may Recto, Manila, naurirat ang tungkol sa pag-iyak ng aktres  na si Carla Abellana ukol sa sinabi ng manunulat na si Mario Bautista na ito palang si Carla Abellana ay never man lang nagpasalamat kahit isang beses sa mga magagandang write-ups sa kanya ng nasambit na writer, bagkus may plano pa sana ang kampo ni Carla at manager nitong si Arnold Vegafria dahil may sinulat yata itong si kuya Mario na nega patungkol kay Carla na umabot pa sa nangyaring sumbatan sa isang presscon kamakailan lang ng Regal Films.

Ang nabanggit na paghaharap nina Mario at Carla kung saan nagkaroon pa ito ng sumbatan ay kaagad na pinalagan ng baklush na si Rod, ang baklang handler ng mga artista ni Arnold vegafria.

Ayon pa sa mga sinabi ni Rod kaugnay sa ginawang pagkompronta ni kuya Mario kay Carla, hindi raw dapat na naghihintay pang pasalamatan ni Carla ang nasambit na writer dahil bayad naman ang mga ito kung isusulat man nila nang maganda ang isang artista gaya ni Carla.

Ang taray, di ba naman? Panget na nga ang mukha, panget pa rin ang pag-uugali. Kahit ilang beses naming isipin na palagpasin na lang itong pagtataray ni Rod Something, sa isang banda’y parang may mali talaga sa mga tinuran nito. Ewan ko lang ba kung bakit hindi nag-react ang katabi at kaibigan naming si Bong De Leon. Sa totoo, hindi talaga namin mapalalagpas ang pagtataray na ito ng baklitang si Rod Something. Dapat siyang ipako sa krus at ibitin nang patiwarik para mabawasan naman ang kanyang pagtataray.

Nagmana lang kaya si Rod sa kanyang boss na ubod din ng yabang at katarayan?

***

Samantala, nagsalita na si Ogie Diaz tungkol sa isyung pagtataray at pangmamaliit ng alaga niyang si Vice Ganda sa Wonder Gays matapos niya itong maliitin sa kanyang Twitter account na hindi raw niya (Vice Ganda ) ka-level ang mga alagang  baklush ni Lito de Guzman.

Sa isang panayam rito, sinabi nitong hindi daw masama ang ugali ng kanyang alagang si Vice Ganda dahil sa may gumamit daw na iba sa kanyang Twitter account. Na-hack raw kasi ang Twitter account ng mukhang kabayong komedyante.

Well, ito lang ang reaksiyon namin sa tinurang iyon ni Ogie Diaz, Harharharharhar! Mas maniniwala pa rin kami sa sinasabi ng isang komedyante na mayabang, mataray ang ugali ni Vice at pilit lang na pinagaganda.

Dahil sa ginawang pagtataray na ito ni Vice, napag-alaman namin buhat sa manager ng Wonder Gays na si Lito de Guzman na malapit na palang mag-gold ang album ng grupo. Kinuha rin ng mga baklush na guest sa  Victoria mall sa Antipolo City, na ngayong Sept. 14 ang opening, kasama si Valerie Concepcion at ang bandang Bamboo.

Ngayong Sept. 24, tuloy na naman ang saya ng mga parukyanong baklush sa White Bird, ang September Moon Delight. Sinisigurado sa amin ng kanilang entertainment manager na si Jordan na uuwing nakangiti ang mga kapatid nating berde ang dugo sa mga production number ng kanilang mga male models.

Rarampa rin ng walang saplot sa katawan at kamay lamang ang takip sa kanilang harapan itong mga nagga-guwapuhang macho dancer. Kaya roon sa mga kapatid nating baklush, tawagan n’yo or i-text si Mama Gretta Locca sa kanyang cell # na 09217405735/09497003048. Epek na ba ito Sir Jordan , Sir Joven at Mama Gretta Locca? Go na mga baklush at saksihan ang pagrampa sa entablado ng mga guwapong boys ng White Bird.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply