Hinihinalang illegal recruiter binaril, patay

BINARIL at napatay ang isang babaeng hinihinalang illegal recruiter makaraang barilin ng isa sa riding-in-tandem Huwebes ng tangahali (Setyembre 15) sa Pasay City.

Ang biktima na kinilalang si Lourdes Elena Mabborong, 54, residente ng No. 17 Bernardo St., Brgy. Mariblo, San Fransico del Monte, Quezon City ay namatay bunga ng isang tama ng bala sa batok

Batay sa ulat ni SPO1 Allan Valdez, ng Station Investigation and Detective Management Section, ang insidente ay naganap pasado ala-12:45 ng tangahli sa Park Avenue malapit sa Cuneta Avenue, ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na naglalakad ng biktima sa naturang lugar nang lagpasan ng isang motorsiklo sakay ang dalawang lalaki.

Matapos lagpasan, bumaba ang isang lalaki at sinalubong ang biktima at nang malagpasan ay binunot nito ang baril at pinutukan sa batok ang biktima na ikinamatay nito.

Batay sa impormasyong nakalap ng Remate Online, ang biktima ay madalas sa naturang lugar at nangangalap ng trabahador para magtrabaho sa ibayong dagat.

Nakakuha rin ang imbestigador ng mga dokumento ng transaksyon ng iba’t ibang sasakyan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply