Hiniwalayan ng nobya, 17-anyos naglason

DINAMDAM ng 17-anyos na binatilyo ang pakikipaghiwalay sa kanya ng nobya kaya nagawa nitong magpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaner solution sa Tondo, Maynila kagabi.

Hinihinalang may ilang oras nang patay si Jose Sumang, out-of-school youth, nang makita ng kanyang pamilya, residente ng 27 Santa Fe St., Magsaysay Village, Tondo.

Sa report ni SPO3 Charles John Duran, ng Manila Police District (MPD)-homicide

section, dakong 6:15 ng gabi nang nadiskubreng patay ang biktima sa 2nd floor ng kanyang kuwarto.

Ayon kay Eduardo, 18, nakatatandang kapatid ni Sumang, huli nitong nakitang buhay ang biktima dakong 11:30 ng umaga kung saan napansin na malungkot matapos nakipaghiwalay sa kanyang syota.

Hindi umano lumalabas ng kuwarto ang kanyang kapatid kaya nagtaka ito at pinuntahan dakong 6:15 ng gabi.

Nakailang katok na umano siya ngunit nang walang sumasagot ay binuksan niya na iyon at napansin ang diretsong nakahiga na biktima.

Nakita sa tabi ng biktima ang isang bote ng silver cleaner solution at mga larawan ng kanyang mga kaibigan.

Napag-alaman na hiniwalayan ang biktima ng kanyang na nobya na labis nitong dinamdam.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply