Hinuhubaran ang tunay na misteryo ni Piolo Pascual?

HALATANG may mga taong gumagamit ng sitwasyon ngayon nina Piolo Pascual at KC Concepcion para sila pag-usapan. Okey sana ito, but not at the expense of Piolo Pascual. Sa nangyayari, unti-unti, lumalabas ang lambong ng misyeryo tungkol sa relasyon. At yung malilikot ang kaisipan, nagwa-one plus one na.

Sa totoo nagsalita pa si KC noong Sunday sa malaganap na the Buzz pero di ito naka- tulong na linawin ang isyung supposedly neglected GF si KC. Nagpasimuno ang nanay niyang si Sharon Cuneta kaya ayan, di mapatid-patid ang talakayan at si Piolo Pas- cual nga ang talo rito. Lumalabas na martir si KC at si Piolo ay isang cold lover at kulang na lang palabasing bading ngang totoo si Piolo, judging sa mga hinaing ni KC Concepcion at ng mga tao sa kanyang paligid.

Hindi po ba?

Intriguing nga ang mga binitiwang pahayag ni KC Concepcion sa The Buzz last Sunday tungkol sa relasyon nila ni Piolo Pascual.

Bukod dito, naging emosyonal din siya habang nagsasalita kaya ang hinala ng marami, hindi pa rin tapos ang problema nila.

“Well, kagabi po, nakapag-usap naman kami ulit. At saka, tinatanggap ko siya nang buung-buo. At iniintindi ko siya nang buung-buo,” pahayag ni KC.

Dagdag pa niya, “Kasi importante na kapag nag-commit ka sa isang relasyon, hindi mo siya iiwan sa ere.

“So, sinabi ko sa kanya ’yun. Noong nag-promise ako sa ‘yo na kaya mo ’to, naniwala ako na kaya mo. “So, nandito ako para hawakan ang kamay mo. At talagang magiging patient and understanding ako hangga’t kaya ko. Hangga’t talagang kaya ko pa.”

Sa halip na malinawan, lalo lang kaming naguluhan sa mga sinabi ni KC.

Sana’y ipinaliwanag na rin niya kung ano ba ’yung tinatanggap niya nang buong-buo kay Piolo at kung ano ba ang mga bagay na nangangailangan ng sobrang patience and understanding niya.

Lumalabas din na tila one-sided ang relasyon nila which is not healthy sa kahit anong relasyon at kung hindi mareresolbahan, malamang na mauwi sa hiwalayan dahil mahirap naman ’yung isa lang ang parating umiintindi at nagpapasensiya.

Anyway, wish lang namin na maayos pa ang relasyon ng dalawa dahil in fairness sa kanila, they really make a good pair.

So there!

***

Aljur Abrenica feeling pamilya na ang mga Padilla

Hindi na man kaila that Aljur Abrenica and Kylie Padilla are playing good music together.

Obvious na ok na ok na ang relasyon ng dalawa and although, wala silang masyadong detalye, one plus one na talaga sila na nga.

Very happy nga si Aljur Abrenica dahil napili siya ni Robin Padilla na makasama sa isang action-comedy film. Feel ni Aljur, close na siya sa pamilya ni Kylie Padilla, ang babaing pinakamalapit sa puso niya ngayon.

Sa kuwento rin ni Aljur, nadadalas daw niyang makasalamuha ang Padilla clan, na lahat daw ay mabait at maganda ang pakita sa kanya. Sa tanong kung ang pelikulang pagsasamahan nila Robin ay maging daan para mas madali niyang mapasagot ni Kylie, ngiti lang ang isinagot ng aktor.

Ang pamilya naman kaya ni Aljur, natutuwang si Kylie Padilla ang syota niya?

You see, mukhang kulang sa PR si Aljur, pati nanay at tatay niya, kasi nga sobrang kimi sila na humarap sa kapuwa-tao. Paano nga ba nila napakikiharapan ang pamilya ni Kylie kung ganoong may visible attitude sila sanhi ng feeling na numero unong sikat nga si Aljur Abrenica.

***

Nasa mainstream na… Edgar Guzman, indie actor no more

LAKING tuwa ng tinaguriang “Indie Prince” na si Edgar Allan Guzman dahil sunud-sunod ang blessings at dami ng magagandang project na dumarating sa kanya ngayon.

Matapos ang kanyang hit Cinemalaya movie  na Ligo Na U, Lapit Na Me, na nagbigay sa kanya ng much-deserved best actor award at nakatakdang i-release ng Regal Entertain -ment sa September 28, nagte-taping naman si Edgar para sa TV5 mini-serye na Sa Ngalan ng Ina kasama ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.

Umiikot din ang aktor sa iba’t ibang network para i-promote ang Ligo Na U at naging leading man siya ni Kim Chiu sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya na dinirek ni Cathy Garcia-Molina.

Sobra yatang nag-enjoy sina Direk Cathy kay Edgar Allan kaya plano niya itong isama sa pelikula nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin.

“Isa na namang dream come true kung matutuloy po kasi idol ko po talaga si John Lloyd,” sabi ni Edgar. “Kailangan lang ipaalam kina Mother Lily (Monteverde) at Ms. Roselle (Monteverde-Teo), kasi nakakontrata po ako sa Regal pero sana matuloy po ito dahil alam kong marami akong matututunan kina Direk Cathy at John Lloyd.”

Matatandaang nu’ng tanungin si Edgar kung sino ang idolo niya sa mga aktor ng kanyang henerasyon, ang sabi niya’y sina John Lloyd, Coco Martin at Jericho Rosales.

Nakapag-guest na rin uli si Edgar Allan sa Eat Bulaga kung saan siya nagsimula.     “Thankful po ako dahil sa Bulaga ako nanggaling. Ang saya po nu’ng huling number namin with Kuya Bitoy (Michael V), Jake Cuenca at Alden Richards (na makakasama ni Edgar sa isang special show, Beau-Con (Pagandahan ng mga Dyosa), sa Zirkoh Comedy Bar, Tomas Morato, sa Sabado, September 10).”

Active rin si Edgar sa pagtulong sa kaibigang si Joseph Bitangcol kaya kasama siya sa fund-raising project ng Lokomoko at Star Circle Quest group na For the Love of Joseph sa September 15 sa Zirkoh T. Morato.

“Lahat po kami, magtutulung-tulong para kay Joseph na medyo matagal nang hindi nakapagtrabaho dahil sa aksidente. Sana talaga in God’s time, makabalik na si ’Seph sa taping namin dahil nakaka-miss po ang kakulitan niya,” sabi ni Edgar Allan

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply