Holdaper tepok sa parak

ISA holdaper ang napatay habang nakatakas ang isa pa nang makipagbarilan sa mga pulis matapos holdapin ang isang babae sa Imus Cavite, kaninang madaling-araw, Setyembre 14.

Patuloy ang paghahanap ng mga pulis ang isa pang kasama ng holdaper na nasawi na nakipagpalitan ng putok sa kanila bandang 3:00 am.

Tinangka holdapin ng dalawang lalaki lulan ng motorsiklo ang isang taga Imus Cavite ngunit matapos ang panghoholdap ay at nagsisigaw ang biktima sa Aguinaldo highway kung kaya narespundehan agad ng awtoridad.

Hinabol ng mga pulis ang mga suspek na nagresulta sa pagkamatay ng isa habang nagtatakbo naman ang isa pa kung saan suspetsa ng awtoridad ay natamaan nila ito.

Dahil dito, iniisa-isa ng awtoridad ang mga ospital sa naturang lugar at nagbabakasaling doon dumiretso matapos masugatan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply