Holdaper tepok sa parak

PATAY ang isang holdaper na nakipagbarilan sa mga pulis matapos ang panghoholdap niya sa isang taxi kaninang umaga, Setyembre 13, sa New Manila, Quezon City.

Ayon sa report ng Unang Hirit, bandang 2:00am nang maganap ang insidente makaraang makipagbakbakan sa mga pulis ang holdaper na hindi pa batid ang pagkakakilanlan.

Nabatid na sumakay ng taxi ang naturang magnanakaw sa Shaw Boulevard at nagdeklara ng holdap sa New Manila.

Tinangay ng suspek ang 2,600 na kinita ng driver at tinangay pa ang taxi.

Agad namang ini- report ng biktima sa pulisya ang naturang insidente at agad namang nirespundehan kung saan naispatan ng mga ito ang tinangay na taxi sa Brgy. Santolan at doon na nagkaroon ng barilan na tumagal ng ilang minuto.

Nakuha sa suspek ang wallet ng biktima.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply