‘Home along the river’ ipagbabawal na

IPAGBABAWAL na ang patatayo ng “home along the river”   o anumang istruktura sa lahat ng daluyan ng patubig upang hindi malagay sa peligro ang buhay ng naninirahan sa gilid ng ilog o estero kapag umapaw ang tubig.

Sa Senate Bill No. 2956 na inihain ni Sen. Manny Villar, hindi lang ang mga pasaway na naninirahan sa tabi ng ilog ang parurusahan kundi pati na rin ang mga lokal na opisyal ng gobyerno.

Sa nasabing panukala, bawal nang magtayo ng bahay sa loob ng sampung metro ng gilid ng ilog at iba pang uri ng ‘inland waters’.

Inirekomenda ni Villar ang pagpapataw ng parusang pagkakulong ng hanggang anim na buwan at pagmumulta ng P50,000 sa sinumang magtatayo ng bahay sa gilid ng ilog.

Ganito rin ang parusang makukuha ng barangay chairman, mayor at gobernador kahit na hindi sila nag-isyu ng permit sa pagpapatayo ng bahay sa gilid ng ilog.
Maaari rin silang patalsikin sa puwesto kung makailang ulit nilang lalabagin ang panukalang batas na ito.

Itinulak ni Villar ang panukalang ito upang mailigtas ang buhay ng mga taong naninirahan sa gilid sa ilog, bukod pa sa ito ang nagiging sanhi ng pagbabara sa mga ilog at estero.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply