Homemade donut

MARAMI sa atin na hindi alam na madali lang gumawa ng doughnut o donut dahil sa pag-aakala na mahirap itong gawin at kailangan pang i-oven.

Alam ba ninyo na ang donut ay piniprito lang? Mayroon din namang ino-oven ngunit karamihan sa mga ito ay piniprito o dini-deep fry sa mantika.

Dalawa ang uri ng donut, ang tinatawag na “leavened” gamit ang baking powder o baking soda at yung pinapaalsa gamit ang yeast.

Ang dalawa ay magkaiba ngunit pareho silang katakam-takam at mouthwatering siyempre depende ito sa inyong timpla sa toppings o glaze na ilalagay dito.

Sa Pilipinas mabibili ang donut sa mga store sa malls, at ang donut dito ay mabibili ng P18 hanggang sa P50 kada piraso, depende sa store, mayroon kasing mahal at mayroong abot-kaya ng bulsa.

Huwag ng problemahin kung nais na kumain ng donut na kaya ng badyet ninyo. Narito ang isa sa pinaka-simpleng recipe ng donut na pwedeng-pwedeng gawin sa bahay kasama ang mga bata.

Sure na matutuwa ang mga bagets dahil patok itong almusal, meryenda o mid-night snacks.

Tips para maganda ang inyong donut

1. Siguraduhing mainit na mainit ang mantika kapag magpiprito. Kapag hindi mainit ang mantika ay hindi maluluto ng mabuti ang donut.

2. Iwasang i-overload ang fryer o ang pagpiprituhan. Ang tendency kasi kapag sobrang dami ng ipiprito ay mag-aagawan sila sa init ng mantika so hindi ito maluluto ng maayos. Magprito lamang ng tatlo hanggang apat na piraso sa isang salang.

3. Bantayang mabuti upang hindi ma-overfry ang donut. Kapag golden brown na ang ilalim ay baligtarin na ito.

4. Gumamit ng pinaka-malambot na dough. At upang magamit pang muli ang natirang dough ay ilagay ito sa refrigerator.

5. Gumamit ng bagong mantika. Huwag na huwag gagamit ng recycled na mantika.

6. Patuluing mabuti ang donut bago ilagay sa absorbent paper. Useless ang absorbent paper kung hindi napatulo ang mantika ng donut.

7. Gumamit ng measuring cups at spoon upang tama ang sukat ng bawat sangkap. Kapag hula-hula ay pangit ang kalalabasan ng donut.

Sangkap
* 4 1/2 cup flour
* 4 teaspoon baking powder
* 1 teaspoon freshly grated nutmeg
* 1/2 teaspoon salt
* 2 eggs
* 1 cup sugar
* 2 tablespoon unsalted butter, melted
* 1 cup milk
* 1 teaspoon vanilla

Procedure
1. I-sift ang mga dry ingredients.
2. Batiin ang dalawang itlog kasama ang asukal hanggang maging light.
3. Idagdag ang tunaw na butter, gatas at vanilla.
4. I-combine ito sa dry ingredients at haluing mabuti hanggang sa mabuo ang malambot na dough. Iwasang ma-over mix.
5. Kung ang dough ay masyadong malambot para i-roll ay ilagay muna ito sa refrigerator ng kalahating oras.
6. Tapos ay i-roll ang dough hanggang 3/8 inch ang kapal sa surface (table) na binudburan ng harina upang hindi dumikit.
7. Hiwain ito gamit ang doughnut cutters.
7. I-prito ang donut sa 370-degree init ng mantika hanggang sa maging golden brown ang magkabilang side.
8. Tanggalin sa mantika at patuluin ng ilang minuto bago ilagay sa absorbent paper.
9. Habang mainit-init pa ay i-shake ito sa isang plasctic o container na may confectioners sugar or kombinasyon ng sugar at cinnamon. Pwede ring i-dip sa glaze na iyong naisin o pinakasimpleng budburan ng puting asukal.

Pwede itong pahiran ng iba’t ibang jam na maaari ring homemade kung ayaw mong bumili upang maka-iwas sa preservatives.

Andyan din ang peanut butter at keso. Swak din sa panlasa ang fresh fruits na binlender at nilagyan ng syrup.

Nasa inyong diskarte kung paano ito pasasarapin at dedekorasyunan.

Ilabas ang creativity at maging resourceful. Happy donuts!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply