Honda recall ulit

NAG-ANUNSYO noong Setyembre 5 ang Honda Cars Phils. ng recall nitong taong ito. May kabuoang 19,143 units ang mga sasakyang may nakitaan ng depekto. Ang mga ito ay ang Jazz (2005-2007), City (2006-2008), at CR-V (2005-2006). Ang sanhi ng recall ay ang power window master switch. Ang bahagi ng official statement ng Honda Cars Phils:

“The silicone component commonly found in air fresheners or automotive cleaning agents, etc. enters into the power window master switch. This accelerates wear in the contact area and over time, wear particles accumulate between the power source and ground of the unit switch. The resin material of the unit switch is then heated and carbonized. This may cause smoke and in worst case, partial burning of the window switch cover. No accidents or injuries have been reported related to this defect. With the total safety of Honda vehicle users as priority at all times, HCPI is taking this voluntary recall to replace the power window master switch assembly of affected units.”

Ayon kay Voltaire Gonzales, ang Sales & Corporate Communications head ng Honda Cars Phils., ang unang insidenteng nangyari ay naiulat sa Japan noong 2008 at dito naman sa Pilipinas ngayong taon lang. May anim (6) pang parehong insidente dito sa ating bansa ngunit wala namang naiulat na pagsunog o pagusok ng power window master switch.

Ngayong alam na ng Honda ang depekto ng mga sasakyan nito ay nag-anunsyo ito ng global recall sa iba’t ibang bansa kabilang na ang Pilipinas. Simula noong Martes ay nagpadala na ng sulat ang Honda Cars phils. sa kanilang mga apektadong kliyente.  Sabi rin ni Gonzales na puede rin tumawag sa mga Honda dealerships o di kaya sa Honda Hotline 1-800-1000-HONDA o 857-7240. Mag log on din sa www.hondaphil.com. Ang pagpalit daw ng power window master switch assembly ay di tatagal sa 30 minuto o kalahating oras at wala raw babayaran ang kanilang mga kliyente.

Matatandaang nagpatawag ng global recall ang Honda noong Pebrero lamang nitong taong kasalukuyan. Bagama’t ito’y tungkol sa faulty window switch ay ibang problema ito sa kasalukuyan. Ang posibleng maranasan ng mga may faulty window switch ay short circuit na tiniyak naman ni Gonzales na walang unit na may problemang ganito ang naibenta sa Pilipinas.

Ano nga kaya ang sanhi ng mga problema ng Honda? Ito kaya’y dahil sa mga installer o supplier nila? Pagtitipid nga ba ang dahilan kaya sabi ng iba ay bumababa na daw ang kalidad at pamantayan ng Honda Cars?

Sa aking pananaw, puedeng puedeng takasan ng Honda ito lalo na’t di naman karamihan ang nakaranas ng depektibong power window master switch subalit prinoprotektahan lang nila ang kanilang mga kliyente. Preventive measures ika nga. Mas importante sa kanila ang integridad at katapatan.  Yan rin ang pagkakakilala ko sa Honda Cars Philippines.

* * *

Iniimbitahan ko po kayong makinig sa inyong lingkod tuwing Huwebes, 2:00 p.m. para sa INSIDE MOTORING RADIO sa DZRJ 810 AM. Inaanyayahan ko din kayong tangkilikin ang mga programang STOPLIGHT TV at INSIDE MOTORING TV na mapapanood sa PINOY EXTREME CHANNEL sa buong kapuluan at sa ABS-CBN The Filipino Channel (TFC) Global sa ibang parte ng mundo. Sa kalakhang Maynila, ang Pinoy Extreme ay nasa Destiny cable ch. 83, Cablelink ch. 33 and G-Sat ch. 7. Mapapanood rin ito sa iba’t-ibang mga cable operators nationwide.

Kung may mga katanungan hinggil sa mga isyung motoring, motorsports at transportasyon, wag mag-atubili na makibahagi sa www.facebook.com/InsideMotoring o di kaya’y magtext sa 0918-4479006. Salamat po!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply