How romantic na sa elevator pa nag-propose si Direk GB kay Daiana Meneses

HOW sweet naman si Direk GB San Pedro! Balitang nag-prospose ng wedding kay Daiana Meneses ang director sa elevator pa. Para raw maging romantic ang proposal dahil silang dalawa lang ang nakasakay sa elevator. Heaven pa raw dahil pataas ang elevator.

Blooming naman talaga si Daiana buhat nang ma-link kay Direk GB. Imagine, markado ang role niya sa pinag-uusapan ngayong comedy show ng TV5 na “Iskul Bukol.” Kasi, isa sa nakakatuwang luka-lukang mestisa character roon ay role ni Daiana.

Aba, ubod nang ganda tapos janitress lang ang role?

Tungkol sa kasal, inaantay pa namin ang developments rito. Kasi, seryosong usapan naman ito. Pero may naringgan kaming interview kay Daiana na nagsasabi na kahit siya’y kasal na ay puwede pa rin siyang mag-artista. Iba talaga umibig ang isang Daiana, ano?

000

ACTRESS na talaga si Arci Muñoz dahil walang maliit na role para sa isang alagad ng sining na tulad niya. Kasi, kahit siya nagbida na via “Nagbabagang Bulaklak” ng TV5, tinanggap pa rin niya ang supporting role sa first starring role soap ni Jasmine Curtis Smith, ang “Utol Kong Hoodloom.”

Si Jasmine ang pinaka-leading lady ng bidang actor na si JC de Vera.

Ipinahayag naman ng head ng production na si Boss Perci Intalan na napili nila si Arci na lumabas sa first soap opera na panghapon ng TV5. Tampok si Arci sa soap na “Felina,” ang Prinsesa ng mga Pusa. Makakapartner niya si Leandro Muñoz. Natapos na ang story conference. Anytime ay magti-taping na ang bagong afternoon soap ng TV5.

May napatunayan na kasi si Arci na kayang-kaya na niyang magdala ng sariling programa kaya ibinigay agad sa kanya ang afternoon soap.

Kaya nang na-interview si Arci sa kapalaran niya sa TV5, wala na raw siyang masabi sa pag-aalaga sa kanya ng network at ni Tita Annabelle Rama, ang kanyang tumatayong manager.

Tulad ni Nadine Samonte na isa na ring TV5 star, galing din sa StarStruck batch ng GMA-7 si Arci.

Loveless daw siya ngayon at career lang daw ang kanyang inaasikaso.

Simula na ang Utol Kong Hoodloom sa Monday, September 12.

000

SI ALJUR Abrenica ay tuwang-tuwa sa pagkapili sa kanya ni Robin Padilla bilang kasama sa movie na mala-comedy ang dating pero action din. Kasi, feel niya ang closeness ng pamilya ni Kylie Padilla, ang babaing pinakamalapit sa kanyang puso.

Nang magkuwento si Aljur sa excitement niya sa movie, naikuwento niya na nakakasalamuha na niya ang pamilya ni Kylie.

Tingin ni Aljur, lahat sila ay mababait at maganda ang ipinakikita sa kanya.

Kung ang pagsasama nina Robin at Aljur ay maging daan para mapadali ang pagsagot ng “oo” ni Kylie sa kanya, walang reaction si Aljur kung hindi isang masayang ngiti.

Hindi na nga itinatagao ni Aljur ang kanyang feelings kay Kylie. Nagkukuwento na siya sa press kung ano ang kanyang nararamdaman sa dalaga ni Robin.

000

NAKADAUMPALAD namin si Tony Finnigan, 18, sa office ni Direk Maryo J. delos Reyes, na kilala namin dahil siya ang lumalabas na guwapong  guardia na nagbabantay sa mansion ni Lola Ana (Gloria Romero) sa soap na “Munting Heredera.”

Sa pagkikita namin kay Tony, talagang tipong artista siya at matinee idol ang dating. Naalala tuloy namin ang panahon nina Gabby Concepcion na ang mga bida ay talagang mestiso look. Si Tony kasi ay half-Pinoy at half-British.

Super puti siya at halatang banyaga dahil may bahid ng freckles ang kanyang mukha.

Tunay niyang pangalan ay Anthony Edward Finnigan. May height na 5’10 at masculado na ang dating ng katawan. Kasama siya sa grupo na bagong itinatag ni Maryo J, ang sing and dance group na pinangalanan niyang 1 Problem, 6 Solutions. Six solutions dahil six members ito na pawang mga mestiso looking guys.

Nakilala ni Maryo J si Tony sa Tagbilaran, Bohol. May sariling property si Maryo J roon kaya madalas siyang maglagi roon basta lang may panahon siya.

Isang ramp model si Tony at nakita ni Maryo J na rumarampa sa Island City Mall.

Sa mga taga-GMA7 star, crush niya ngayon si Louise delos Reyes. Gusto rin niyang sundan ang yapak ni Robin Padilla.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply