HPV ‘game changer’ sa babae at lalaki

KUNG inaakala mong ang idea ng HPV ay concern lamang ng kababaihan, pwes, nagkakamali ka. Maituturing na mapanganib na paniniwala at napakahalaga nang may sapat na kaalaman ang kalalakihan ukol dito. Hindi sapat na may kaalaman lamang (kalalakihan) sila sa virus kundi dapat na magpabakuna laban sa sakit na ito.

Maituturing na “game changer’ ang human papillomavirus (HPV)  sa sinumang sexually active individual, anuman ang gender o kasarian.

Ang Genital HPV ay ang pinaka-karaniwan na sexually transmitted infection sa parehong gender, babae man o lalaki, 50 porsiyento sa lahat ng sexually active people.

Ito ay nakahahawa dahil nakukuha ito sa pamamagitan ng skin-to-skin contact at hindi lamang basta sa pakikipagtalik.

“Almost 80% of HPV conditions do not show any symptoms until they are already in the late, dangerous stages. This is problematic because men have a tendency to ignore health problems, more so genital infections until treatment becomes more difficult, costly and in some cases, impossible,” ayon kay Dr. Angela Bandola, UP-PGH OB-Gyne Infectious Disease specialist.

Maliban sa ang HPV ay banta sa kalusugan ng kababaihan gaya ng cervical cancer, vaginal cancer at vulvar cancer, ang HPV ay maaaring maging sakit din sa kalalakihan gaya ng penile cancer, gayundin ang anal cancer at genital warts na nakaaapekto sa parehong kasarian.

“HPV infection can happen in both males and females and although there are various ways to prevent infection, vaccination remains the most important method to prevent HPV infection. And this can be administered to both men and women. The HPV vaccine helps prevent not just cervical cancer but other genital cancers and genital warts as well. This, coupled with regular screening and a healthy lifestyle lowers the risk of getting the diseases,”  payo pa ni Dr. Bandola.

Isa sa pinakabagong biktima ng HPV ay ang 30-year-old manager ng BPO company, na nagkaroon ng genital warts mula sa isang hindi inaasahang sexual encounter. “Most of what I knew about HPV pertained to women and cervical cancer, and I was very shocked to learn that I got infected.”

Agad na nagtungo sa isang urologist ang nasabing manager nang mabatid na siya’y may infection at tinapat naman siya ng espesyalista na siya’y nagtataglay na ng genital warts.

“At that time, I felt terrible anxiety about other people finding out about my infection. I was paranoid, insecure and I didn’t know what to do. This is something that you’ll be ashamed to tell even your closest friends. So when the doctor told me that the warts can be treated, you can only imagine the relief I felt,” pagbabahagi pa ng manager.

Para mapagamot ang kaniyang infection, sumailalim siya sa tinatawag na chemical cauterization, isang masakit at napakamahal na proseso ng pagsusunog sa warts sa pamamamgitan ng special chemical treatment.

“Besides the extreme discomfort of getting cauterized and missing work, I was constantly worried about the possibility of recurrence and infecting other people,” paliwanag pa ng manager.

Mabilis naman na nawala ang warts pagkatapos ng nasabing treatment subali’t batid nito na muling babalik dahil hindi sapat ang isang gamutan lamang.

Para makatulong at makatiyak sa kaniyang kaligtasan mula sa HPV, nagpasiya ang BPO manager na mabakunahan ng quadrivalent HPV vaccine na nakatutulong na malabanan ang apat na uri ng HPV at ang sakit na idudulot mula dito.

Sa kasalukuyan tanging ang bakuna o vaccine variant ang nakatutulong bilang tugon sa problema ng male HPV.

Naniniwala ang biktima na ang pagiging maingat at sapat na edukasyon ukol sa ganitong sakit ang susi sa kaligtasan ng bawat indibiduwal sa sakit na ito.

“Genital warts are bad enough, but there are far worse things you can contract from HPV. A few trips to the doctor for vaccination will make a world of difference, and your life will be better for it. I know mine did,” pagtatapos pa ng BPO manager.

Para sa karagdagang kaalaman ukol sa HPV at pamamaraan ng pag-iwas dito, kumunsulta sa doktor. Maaaring ding bisitahin ang www.helpfightHPV.com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply