HRET umaray sa tinapyasang alokasyon

UMARAY na rin ang Kamara de Representantes Electoral Tribunal (HRET) sa pagtapyas ng Malakanyang sa kanilang pondo para sa 2012.

Sa deliberasyon ng 2012 proposed national budget sa Kamara, inis na sinabi ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, isa sa mga miyembro ng HRET na hindi makatuwirang kaltasan pa ang pondo ng lupon dahil dumarami ang mga reklamo na kanilang ini-imbestigahan.

Kapos aniya ang P99.39 milyon na pondo ng HRET para sa kanilang imbestigasyon sa may 65 protesta na ngayon ay patuloy na dinidinig ng HRET.

Subalit agad namang dumipensa si Cavite Rep. at House of Appropriations Committee chairman Joseph Emilio Abaya sa pagsasabing inalis ang P12.8 bilyon na pondo ng HRET dahil nakalaan ito para sa unfilled positions.

Naging tradisyon na rin aniya ng Malakanyang na ang pondo para sa lahat ng unfilled positions sa lahat ng ahensya ng gobyerno ay ilagay muna sa miscellaneous benefit fund at awtomatikong mare-release sa oras na mapunuan ang mga bakanteng posisyon.

Binigyang linaw pa ni Abaya na tiwala siya sa katapatan ni Pangulong Aquino na anumang pondo na nakalaan para sa unfilled positions o bakanteng posisyon sa kagawaran ng gobyerno ay hindi magagalaw.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply