Huling suntok ni Donaire

INAMIN ni WBC and WBO bantamweight champion Nonito Donaire Jr. na huling suntok na niya sa bantam ang laban kay WBO super flyweight champ Omar Andres Narvaez (35-0-2, 19 KO) ng Cordoba, Argentina sa Madison Square Garden’s WaMu Theater sa New York City sa October 22.

Ayon sa 28 taong gulang na si Donaire, ito ang unang laban niya sa New York City kung saan bago nitong mga nakaraang araw ay namasyal siya dito ang fourth-ranked pound-for-pound boxer.

“So far it’s been great,” ani Donaire (26-1, 18 knockouts). “We walked around for an hour and a half, it’s awesome. You see all the hot dog vendors and pizzerias, it’s what you see and hear about.

There’s a lot of diversity and a lot of people walking around. It’s a little bit chilly, but I’m having a blast.”

Si Donaire ang pangalawang Filipino world champion na lalaban sa Madison Square Garden mula noong nagawa ito ni dating super featherweight champ Gabriel “Flash” Elorde na ilang beses na lumabas sa “The Mecca of Boxing”.

Ang 36-anyos na si Narvaez na kaliwete ay mas maliit naman ng apat na pulgada kay Donaire. 5’3” lang kasi ito habang si Donaire ay 5’7”.

Naniniwala naman si Donaire na isang malaking hamon ang makaharap si Narvaez dahil pangalawa niya ito nang manalo ng sensational second round knockout kay Fernando Montiel noong Pebrero.

Plano ni Donaire na harapin ang mananalo sa Toshiaki Nishioka-Rafael Marquez bout sa October 1 para sa WBC super bantamweight title ng Hapones.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply