Huling tambalan ng ‘The Fast and the Furious’

HULING paglalaro na magkasama ang “The Fast and the Furious” sa Ginebra San Miguel na sina Mark Cagiuoa at Jayjay Helterbrand, kasunod ng isang maigsing kontrata na lalagdaan ni Helterbrand na tatagal hanggang sa pagtatapos ng PBA Philippine Cup, ayon sa mapagkakatiwalaang impormante na malapit sa Ginebra Gin Kings management.

Si Helterbrand na nakalaro sa huling Governors’ Cup matapos dumanas ng pilay at pneumonia ay malayo pa sa kanyang 100 porsiyentong laro at hindi naging epektibo sa run and gun play nila ng kapartner na si Cagiuoa.

Tatantyahin muna at personal na oobserbahan mismo ni Helterbrand kung kakayanin o maibabalik pa niya ang dating galing at sigla sa pagsabak sa komperensiya na magbubukas sa Oktubre 2, sa Smart Araneta Colesium.

Sa pagsisimula ng ensayo ng Baragany Ginebra sa Lunes ay palalagdain na ang mga bagong recruit sa 2011 PBA rockie draft na sina Reil Cervantes at James Martinez.

Magtutuwang sina Coach Jong Uichico at Assistant coach Siot Tanquingco na tatangan sa mga ensayo ng Barangay Ginebra bilang paghahanda sa gaganaping serye.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply